top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P-BBM, SP Zubiri at HS Romualdez, sila-sila nag-uutuan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 2, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | July 2, 2023



GADON HINDI BAGAY SA POVERTY ALLEVIATION, MAS BAGAY SA KANYANG MAITALAGA SA MENTAL HOSPITAL -- Sa uri ng karakter ni Larry Gadon, hindi angkop sa kanya ang posisyong Presidential Adviser on Poverty Alleviation (PAPA).


Tutal mahilig din lang si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) mag-appoint ng mga taong hindi naman tugma ang propesyon sa pinaglagyang posisyon, tulad ni retired Police Gen. Camilo Cascolan na graduate sa Philippine Military Academy (PMA), pero sa Dept. of Health (DOH) itinalaga ni P-BBM bilang undersecretary, kaya dapat sa National Center for Mental Health (NCMH) ini-appoint si Gadon kasi sa totoo lang, d'yan siya nababagay na maitalaga,sa mental hospital, boom!


◘◘◘


TIYAK NAGSISISI ANG MGA KAPATID NATING MUSLIM SA PAGBOTO KAY P-BBM KASI GINAWA NITONG HIGH RANKING OFFICIAL NG GOBYERNO SI GADON --Tiyak na malaki ang pagsisisi ng mga kapatid nating Muslim sa pagboto nila kay P-BBM. Alam naman kasi ni P-BBM na pinagbantaan ni Gadon noong 2016 ang buhay ng mga kapatid nating Muslim. Uubusin daw niya ang lahi ng mga Muslim sa Mindanao kapag naging senador siya, tapos ang ginawa ng Presidente ay binigyan pa ito ng high ranking position sa pamahalaan, tsk!


◘◘◘


PRESIDENTE, SENATE PRESIDENT AT HOUSE SPEAKER NAG-UUTUAN -- Matapos sabihin ni P-BBM noong June 23, 2023 na nagugustuhan daw ng mga Pinoy ang kanyang trabaho kaya raw mataas ang mga nakukuha niyang rating sa mga survey ay sinabi naman ni Senate President Migz Zubiri na dahil sa mga magagandang ginagawa ay 8% raw ang rating niya sa Presidente. Ayon naman kay Speaker Martin Romualdez, “the president did well on year 1.”


‘Yan ang tatlong mataas na opisyal ng pamahalaan, sila-sila nag-uutuan, boom!


◘◘◘


HIRIT NG MGA MANGGAGAWA, P150 DAGDAG SUWELDO, PERO P40 LANG ANG INAPRUB NG MARCOS ADMIN -- Dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin at bayarin sa Pilipinas, ang hinihinging arawang dagdag-suweldo ng mga manggagawa ay P150, pero ang masaklap, P40 lang ang inaprub ng Marcos administration.


Sana naman dinagdagan pa ito ng gobyerno para may pambili ng ulam, kasi ang P40 ay pambili lang ng isang kilong bigas, kasi sa totoo lang, hirap kumain ng kanin nang walang ulam, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page