top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

P-BBM, sirang plaka na sa paulit-ulit ng pangako na napapako

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 23, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | July 23, 2023


WALANG KUMASA SA HAMON NI MAYOR MAGALONG SA MGA SEN. AT CONG. NA ISAKRIPISYO, HUWAG NANG TUMANGGAP NG PORK BARREL – Noong July 6, 2023 ay hinamon ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mga senador at kongresista na isakripisyo na ng mga ito ang kanilang mga pork barrel dahil ugat daw talaga ito ng korupsiyon.


Matapos ang pambabatikos ni Mayor Magalong, isa man sa mga senador at kongresista na tumatanggap ng pork barrel ay hindi kumasa sa hamon ng alkalde.


Ibig sabihin, suwapang talaga sa kuwarta ang mga pork barrel politicians, period!


◘◘◘


TAKOT ANG MGA SEN. AT CONG. NA IMBESTIGAHAN SI MAGALONG KASI BAKA IBULGAR NITO ANG PANGALAN NG MGA PORK BARREL POLITICIANS –Kapag may mga maiinit na isyu sa bansa, lalo na kung may kaugnayan sa corruption ay todo-pabida ang mga senador at kongresista, unahan sila sa pagpapatawag ng imbestigasyon para maka-epal sa publiko.


Kaya lang, nang si Mayor Magalong na ang nagbulgar tungkol sa patuloy na pagtanggap ng pork barrel fund ng mga senador at kongresista, ay wala isa man sa kanila na naglakas-loob na imbestigahan sa Kongreso ang patungkol sa ibinulgar ng alkalde.


Isa lang ang ibig sabihin n'yan, takot ang mga senador at kongresista na ipatawag sa Kongreso si Mayor Magalong kasi baka ibulgar nito sa publiko ang mga sen. at cong. na patuloy na nagkakamal ng salapi sa kanilang mga pork barrel projects, boom!


◘◘◘


ASAHAN NA ANG PALAKPAKAN NG MGA PORK BARREL POLITICIANS SA IKALAWANG SONA NI P-BBM – Bukas (July 24, 2023) na ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (P-BBM), at asahang makakarinig na naman ang mamamayan ng masigabong palakpakan ng mga pork barrel politicians.


Kailangan kasi nilang pumalakpak kasi 'yung hindi papalakpak ay baka malasin at hindi pabigyan ng Malacañang sa pork barrel projects, period!


◘◘◘


SA SONA NI P-BBM BAKA MAGMISTULAN SIYANG 'SIRANG PLAKA' SA PAULIT-ULIT NA PANGAKONG PABABAIN ANG PRESYO NG BILIHIN AT BAYARIN, NA HINDI NAMAN NAGKAKAROON NG KATUPARAN – Sa unang SONA ni P-BBM noong July 25, 2022, ang dami niyang ibinida sa publiko na gagawin ng kanyang administrasyon, at kabilang sa kanyang ipinangako ay ang pababain ang presyo ng mga bilihin at bayarin, pero ang masaklap, makalipas ang isang taon, hindi nagawa ng Presidente na pababain ang presyo ng mga bilihin at bayarin.


At dahil d'yan, asahan nang bukas, sa ikalawang SONA ni P-BBM ay magmimistulang "sirang plaka" ang kanyang statement, dahil tiyak uulitin na naman niya ang pangakong pababain ang presyo ng mga bilihin at bayarin, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page