top of page
Search
  • BULGAR

P-BBM parang sirang-plaka, paulit-ulit sa utos na tugisin mga agri-smuggler, wala namang nahuhuli

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | August 21, 2023


PARANG SIRANG-PLAKA SI P-BBM SA PAULIT-ULIT NA PAGPAPATUGIS SA MGA AGRI-SMUGGLER, WALA NAMANG NAHUHULI -- Noong July 4, 2023 ay inatasan ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ang mga law enforcement agency na tugisin ang mga agri-smuggler. Sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong July 24, 2023 ay sinabihan ni P-BBM ang mga law enforcement agency na tugisin ang mga agri-smuggler.


At kamakalawa, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas ay inatasan uli ng Presidente ang mga law enforcement agency na tugisin ang mga agri-smuggler.


‘Yan ang presidente ng ‘Pinas, parang sirang-plaka, paulit-ulit na utos na tugisin ang mga agri-smuggler at hoarders, pero wala namang nahuhuli, pwe!


◘◘◘


KAPAG SI DELA ROSA NANALO ULING SENADOR, SOBRANG TANGA NA ANG MAJORITY PINOYS -- Sa budget hearing noong August 15, 2023 ay sinabi ni Sec. Benjamin Diokno ng Dept. of Finance (DOF) na ang mamamayan daw ang nakikinabang sa mga inuutang ng bansa, at dahil d’yan ay sinabihan ni Sen. Ronald Dela Rosa ang mga Kababayan nang...


“Don’t panic, utang lang ‘yan.” At sa panahon ng kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay natuwa ang senador na laging sa zoom sila nagsesesyon kaya noong May 26, 2020 ay nasabi niyang... “Sarap ng buhay, sana ganito na lang tayo palagi.”


Mantakin n’yo, lubog na sa utang ang Pilipinas ay nagawa pang sabihin ni Dela Rosa na, “Don’t panic mga Filipino, utang lang ‘yan,” at sa panahon na naghihirap ang sambayanang Pinoy sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay nagawa pa ng senador na sabihing sarap-buhay daw silang mga senador.


Kaya’t kung sa 2025 senatorial election ay mananalo pang muli si Dela Rosa, ang ibig sabihin n’yan ay sobra na talaga ang katangahan sa pagboto ng majority Pinoys, boom!


◘◘◘


DAHIL MAY OIL PRICE HIKE NA NAMAN, ASAHANG TATAAS DIN NEXT WEEK ANG PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN -- Sa pagitan ng August 22-28, 2023 ay tataas na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo, na sa gasolina ay 80 centavos hanggang P1 ang itataas sa kada litro, at sa diesel naman ay 10 centavos hanggang 20 centavos ang itataas sa kada litro.


Nakupo! Kapag hindi napigilan ‘yang oil price hike na naman, asahan nang next week tataas din ang presyo ng mga bilihin at bayarin, period!


◘◘◘


VP SARA DEDMA LANG SA MGA MALING POLISIYA NG MARCOS ADMIN KASI MAGKAKAMPI SILA NI P-BBM -- Sa nakalipas na administrasyon, kapag may maling polisiya na nagpapahirap sa mamamayan ang administrasyon ni ex-P-Duterte, agad itong pinupuna ni former Vice Pres. Leni Robredo, pero ngayon, sa rami ng palpak na polisiya ng Marcos admin na nagpapahirap sa publiko, laging dedma lang si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio.

Patunay ‘yan na sa Pilipinas ay walang naidudulot na mabuti kapag magkakampi sa pulitika ang naging presidente at bise presidente, boom!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page