P-BBM, parang binuhusan ng malamig na tubig nang mapamura si Chris Martin sa matinding trapik sa Nlex
- BULGAR
- Jan 22, 2024
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Enero 22, 2024
BUKOD KAY CHRIS MARTIN, NAPAMURA RIN ANG MGA PINOY NA NAIPIT NG TRAPIK SA NLEX -- Sa kanilang concert ay nagpasalamat si Chris Martin ng Cold Play sa mga Pinoy na sumuporta sa kanila, at matapos mag-thank you, ay napa-s**t o napamura siya sa matinding trapik sa North Luzon Expressway (NLEX).
Sa totoo lang, hindi lang naman si Chris Martin ang napamura, kundi pati ang daan-daang libong motorista na naipit ng trapik sa NLEX, boom!
◘◘◘
SANA HINDI NA NANOOD NG CONCERT NG COLD PLAY SI P-BBM, SANA IPINATAWAG NIYA LAHAT NG HEAD NG TRAFFIC AGENCY AT NAKI-JOIN SIYA SA PAG-MONITOR NG TRAPIK SA NLEX -- Nasa concert ng Cold Play si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) nang mapamura si Chris Martin tungkol sa matinding trapik sa NLEX, at parang “binuhusan ng malamig na tubig” ang Presidente nang sabihin pa ni Martin na number 1 ang Pilipinas sa may matinding trapik sa buong mundo, kasi nga nasa concert siya.
Alam naman ni P-BBM na dadagsain ng mga tagahanga ng Cold Play ang concert sa Philippine Arena, at kung hindi sana dumalo ang Presidente para manood sa concert na ito at tinutukan ang pag-monitor sa NLEX, kasama ang iba’t ibang hepe ng mga traffic enforcer, sana hindi nakapagmura si Chris Martin patungkol sa buhol-buhol na daloy ng trapiko sa NLEX, period!
◘◘◘
DAHIL MAY OIL PRICE HIKE NA NAMAN, KABUNTOT N’YAN DAGDAG-PRESYO SA MGA BILIHIN AT BAYARIN -- May dagdag-presyo na naman sa mga produktong petrolyo, P1.10 sa kada litro ng gasolina at P0.90 sa kada litro ng diesel.
Ibig sabihin n’yan, dagdag-pahirap na naman ‘yan sa mamamayan, kasi lagi na ang kasunod ng mga oil price hike ay ang pagtataas ng presyo ng mga bilihin at bayarin, tsk!
◘◘◘
MATAPOS KASUHAN SI TONI FOWLER SA INDECENT SHOW, SANA KASUHAN DIN ANG MGA GAMBLING LORDS NA NANRARAKET SA SOCIAL MEDIA -- Matapos sampahan ng kasong Cybercrime na may kaugnayan sa indecent show sa social media si sexy vlogger-actress Toni Fowler, sana ay sampahan din ng kaso ng pamahalaan ang mga gambling lords na may mga raket na online illegal gambling.
Sa totoo lang, mas bad ang raket ng mga gambling lord sa socmed dahil nambibiktima sila ng mga netizens na tumataya sa kanilang mga pasugalan, kumpara siguro kay Toni Fowler na pinag-enjoy ang mga mata ng mga kelot na netizens. He-he-he, boom!





Comments