top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

P-BBM, pabor Sa Cha-cha, tiyak aatakehin na naman ni Ex-P-Duterte

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 11, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Pebrero 11, 2024


HINDI KAYA MGA ANTI-DUTERTE POLITICIANS ANG NAGPA-SURVEY SA SWS NA KESYO MAJORITY PINOY SUPORTADO ANG ICC VS. MAG-AMANG DUTERTE? -- Sa latest survey na inilabas ng SWS ay 53% daw ng mga Pinoy o majority ng mga Pinoy ang sumusuporta sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) laban sa mag-amang ex-P-Duterte at Vice Pres. Sara Duterte-Carpio kaugnay sa extrajudicial killings (EJK) sa Davao City at sa buong Pilipinas.


Ang tanong: Hindi naman kaya mga anti-Duterte politician ang nagpa-commission o nagbayad sa survey na ito, kasi sa totoo lang ay negatibo sa mag-amang Duterte ang resulta ng survey na ito ng SWS, period!


◘◘◘


MILYUN-MILYONG DDS, TIYAK MANLALABAN DIN SA SINUMANG AARESTO KAY EX-P-DUTERTE -- Sabi ni ex-P-Duterte na sakaling magpalabas ng warrant of arrest laban sa kanya ang ICC ay hindi raw siya pahuhuli nang buhay, manlalaban daw siya.


Sa totoo lang, hindi lang naman si ex-P-Duterte ang manlalaban kapag may nagtangkang humuli sa kanya, dahil sigurado pati ang milyun-milyong Duterte Diehard Supporters (DDS) ay manlalaban sa sinumang uutusan ng ICC para dakpin ang ex-president, at tulad na ng mga nauna nating naging komento sa kolum na ito, tiyak na malaking gulo ‘yan, boom!


◘◘◘


AYAW NI EX-P-DUTERTE ANG CHA-CHA KAYA’T ASAHANG AATAKEHIN NA NAMAN NIYA SI P-BBM NA NAGSABING PABOR SIYA SA CHA-CHA -- Nagpalabas na ng statement si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na suportado niya ang Charter change (Cha-cha) na isinusulong ng Kamara sa pamumuno ng pinsan niyang si Speaker Martin Romualdez.


Dahil sa statement na ‘yan ni P-BBM ay asahan nang aatakehin na naman ni ex-P-Duterte si Pangulong Marcos kasi nga ayaw ng dating presidente na baguhin ang 1987 Constitution ng ‘Pinas, abangan!


◘◘◘


PARANG SINABI NG NIA NA MAGTIIS ANG MAMAMAYAN SA NAPAKAMAHAL NA PRESYO NG BIGAS SA LOOB NG 5 YEARS -- Inanunsyo ng National Irrigation Administration (NIA) na posible raw pagsapit ng year 2028 ay maging P25 na ang per kilo ng bigas sa bansa.


Kung totoo ito, aba’y parang sinabi na rin ng NIA na magtiis muna sa loob ng halos limang taon ang mamamayan sa napakamahal na presyo ng bigas, buset!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page