P-BBM, namumuro na sa pagiging sablay
- BULGAR
- Oct 19, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | October 19, 2023
KUNG INILABAN NI P-BBM SA SC ANG MAHARLIKA INVESTMENT FUND AT NATALO, ‘STRIKE 2’ NA SIYA SA KORTE SUPREMA -- Hindi na inilaban ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) sa Supreme Court (SC) ang legalidad patungkol sa P500 billion Maharlika Investment Fund (MIF) kaya’t sinuspinde na niya ang implementasyon nito, kasi kung ilalaban niya ito at pagkaraan ay matalo sila sa kaso, “strike 2” na siya sa Korte Suprema.
Bakit strike 2? Una kasi ay pinirmahan ni P-BBM ang batas na postponement sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), na sa desisyon ng SC ay unconstitutional ito dahil labag sa batas na ipagpaliban ang anumang halalan sa bansa, at ang ikalawa nga, ang pagpirma ng Presidente sa batas na Maharlika Investment Fund, na kung idedeklara na unconstitutional ito, ay “strike 2” na sa Korte Suprema si Pres. Bongbong at tiyak na lalabas siyang katawa-tawa hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo, kasi pirma siya nang pirma na hindi niya pala naiintindihan na ang pinipirmahan niya para maging batas ay labag pala sa batas, boom!
◘◘◘
‘DI PA NGA NAPIPISA ANG ITLOG, NAGBIBILANG NA NG SISIW ANG MARCOS ADMIN -- Pinagtawanan ng netizens sa social media ang pahayag ng Dept. of Trade and Industry (DTI) na sa kabuuan daw ng mga foreign trips ni P-BBM ay nagkaroon ang Pilipinas ng P734 billion investment pledges sa mga foreign investor.
Pagtatawanan talaga, kasi pledges lang ‘yan o pangako, eh ang masaklap, isa man sa mga nangakong foreign investors ay wala pang tumutupad sa kanilang pangako.
‘Ika nga ng mga netizens, eh hindi pa nga raw napipisa ang itlog, nagbibilang na ng sisiw ang Marcos admin, nyahahaha!
◘◘◘
MGA ALAGAD NI P-BBM SA DA, WALANG DISKARTE -- Supalpal ang inabot kay Sen. Cynthia Villar ng mga alagad ni P-BBM sa Dept. of Agriculture (DA) na nagpaplanong mag-angkat ng P10 billion halaga ng mga imported organic fertilizer, kasi ayon sa senadora ay puwede naman daw gawing pataba ang mga basura sa ‘Pinas basta’t ire-recycle ito.
‘Tong mga alagad ni P-BBM sa DA, walang kadiska-diskarte, eh puwede naman palang mga basura sa ‘Pinas ang gawing pataba, pero ang gusto mag-import, mga pwe!
◘◘◘
PARA PATAS SA MGA TINANGGALAN NG CONFI FUNDS, DAPAT TANGGALIN NA RIN ANG PORK BARREL -- Umaangal ang ilang ahensya ng gobyerno na tinanggalan ng Kamara ng confidential funds.
Para matigil na ang angal at para patas, sana tanggalin na rin ng mga kongresista ang kanilang pork barrel, boom!





Comments