- BULGAR
P-BBM, nakipagpulong sa DOE officials
ni Lolet Abania | July 7, 2022

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga opisyal ng Department of Energy (DOE) ngayong Huwebes, sa gitna ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Tinalakay sa naturang meeting ang mga hakbang o measures at direksyon ng energy sa gitna ng nararanasang oil crisis hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo.
Gayunman, wala pang ibang inilalabas na impormasyon ang Malacañang tungkol sa pakikipagpulong ni Pangulong Marcos sa mga DOE officials.
Sa ngayon, wala pang itinalaga ang Pangulo na DOE chief sa ilalim ng kanyang administrasyon.