top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

P-BBM, may confi, Maharlika at Agri Fund na, gusto pati PhilHealth, hakot 'yan?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 22, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | July 22, 2023


PAG-STOP NG MARCOS ADMIN SA KOORDINASYON SA ICC, PASIMPLENG RESBAK NI P-BBM KAY EX-P-DUTERTE PARA MAGLABAS NA ITO NG WARRANT OF ARREST LABAN SA EX-PRESIDENT? — Tinuldukan na ng Marcos administration ang pakikipag-ugnayan sa ICC (International Criminal Court) na may kaugnayan sa kasong crimes against humanity laban kina ex-P-Duterte, Sen. Ronald dela Rosa at sa iba pang sangkot sa extrajudicial killings (EJK) sa bloody drug war ng nakaraang administrasyon.


Sa pandinig ng mga tagasuporta ni ex-P-Duterte ay parang maganda 'yang statement ng Malacañang, pero kung pakasusuriin ay parang simpleng resbak 'yan ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) laban sa ex-President kasi ang pag-stop ng Marcos admin sa pakikipagkoordinasyon sa ICC, ang magiging dulot n'yan ay maglalabas na ng warrant of arrest ang ICC laban sa dating Pangulo, kay Sen. Dela Rosa at sa iba pang sangkot sa EJK sa 'Pinas, boom!


◘◘◘


PARA BA SA MGA SURVEY FIRMS, MAS MAHUSAY SI VP SARA KAYSA P-BBM? — Sa mga survey sa mga nakaraang administrasyon ay laging mas mataas ang rating ng presidente kaysa vice president, pero sa panahon ngayon ng Marcos administration, kapag naglabas ng survey ang SWS, Pulse Asia, OCTA at Publicus Asia ay laging top si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio kaysa kay P-BBM, tulad na lang sa latest survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc., patungkol sa job performance rating, na ang gradong ibinigay sa Bise Presidente ay 86%, at sa Presidente ay 82% lang.


Sa mga survey, parang pinalalabas ng mga survey firms na mas mahusay magtrabaho si VP Sara kaysa kay P-BBM, he-he-he.


◘◘◘


HINDI NA NGA MAGAWA NI P-BBM NA MAPABABA ANG PRESYO NG MGA PAGKAIN MATAPOS PAMUNUAN ANG DA, GUSTO NIYA PANG PAMUNUAN PATI PHILHEALTH — Nais ni P-BBM na siya na ang mamuno sa pamamahala ng PhilHealth.


Hay naku, eh hindi na nga magawa ni P-BBM na mapababa ang presyo ng mga pagkain matapos na pamunuan niya ang DA (Dept. of Agriculture), tapos pati ang healthcare funds ng mga PhilHealth members, gusto niya siya na rin ang mamahala rito, buset!


◘◘◘


MASYADO NAMANG MAPAGNASA SA PONDO NG BAYAN AT PERA NG MAMAMAYAN SI P-BBM — Kung ipagpipilitan ni P-BBM na siya na ang mamuno at humawak ng pondo ng PhilHealth, eh baka isipin ng mamamayan na masyado naman siyang mapagnasa sa mga pondo ng bayan at pera ng mamamayan.


Mantakin n'yo, may confidential fund na siya, may Maharlika Investment Fund, at Agriculture fund, tapos pati ang PhilHealth fund, gusto niya, nasa kontrol din niya, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page