top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

P-BBM, kung may malasakit sa mahihirap, ‘wag nang kapit-tuko sa DA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 18, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | June 18, 2023



KUNG MAY MALASAKIT SI P-BBM SA MAMAMAYAN, LALO SA MAHIHIRAP DAPAT BITAWAN NA NIYA ANG PAMUMUNO SA DA -- Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pagkain sa merkado ay pagpapatunay na walang kakayahan si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na pamunuan ang Dept. of Agriculture (DA).


Kaya’t kung may malasakit si P-BBM sa taumbayan, lalo na sa mga mahihirap na mamamayan na araw-araw ay nagrereklamo sa taas-presyo ng mga produktong pagkain, dapat ay bitawan na niya ang pamumuno sa DA, at ang italaga dito ay ‘yung may kakayahang magbigay ng todong-suporta sa mga magsasaka at mangingisda para naman bumaba ang presyo ng mga tsibog sa ‘Pinas, period!


◘◘◘


P-BBM, HINDI HAPPY NA PRESIDENTE LANG SIYA, KAYA ITINALAGA PA ANG SARILI BILANG DA SEC. -- Nang mahalal na presidente ng bansa ay sapat na sana ‘yan para maging masaya si P-BBM.


Kaya lang, sa nakikita ngayon ng mamamayan ay parang hindi happy si P-BBM na presidente lang siya, kasi nga itinalaga pa niya ang sarili bilang DA secretary.


Pambihira talaga si P-BBM, kasi sa mga naging lider ng Pilipinas, siya lang ang bukod tangi na ang gusto niya, presidente na siya, secretary pa, boom!


◘◘◘


DAMI NA ANG NANANAWAGAN KAY P-BBM NA BITAWAN NA ANG PAGIGING DA SEC., PERO SI VP SARA DEDMA LANG -- Maraming sektor ng lipunan na ang nananawagan kay P-BBM na bitawan na ang pamumuno sa DA, ultimo ang ate niyang si Sen. Imee Marcos ay nanawagan din sa kanya na magtalaga na siya ng permanenteng DA secretary pero ang kapuna-puna ay itong si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na tikom ang bibig sa isyung pamumuno ng presidente sa Agriculture department.


‘Yan ang hindi kagandahan kapag ang nanalong presidente ay kakampi niya ang nanalong bise presidente, walang nagaganap na pagpuna kahit may mga maling polisiya nang ginagawa sa bansa ang pangulo, tsk!


◘◘◘


TINABLAN DIN NG HIYA SI JUDGE BUENAVENTURA KAYA NAG-INHIBIT SA 'MORO-MORONG' DRUG CASE NA ISINAMPA KAY DE LIMA -- Nag-inhibit na si Muntinlupa City Court Judge Romeo Buenaventura sa hawak niyang drug case ni former Sen. Leila de Lima.


Matapos kasing i-reject ni Judge Buenaventura ang hirit ni De Lima na makapagpiyansa, ay lumabas ang mga isyu na itong judge na ito ay appointee pala ni ex-P-Duterte na siyang nasa likod ng paggawa ng moro-morong kaso laban sa dating senadora, at nabulgar din na ang isa sa mga abogadong nagdidiin kay De Lima sa drug case, ay kapatid pala ng judge na ito.


'Ika nga, tinablan din ng hiya si Judge Buenaventura sa kanyang mga pinaggagawa sa kanyang court room, kaya nag-inhibit na siya sa "moro-morong" drug case na isinampa laban sa dating senadora, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page