top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

P-BBM, imbes pababain ang singil sa tubig at kuryente, taumbayan ang pinagtitipid, buwisit !

Writer: BULGAR
BULGAR
May 23, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | May 23, 2023



MGA SANGKOT SA DRUG TRAFFICKING, GUSTO NI SEN. PADILLA NA MA-DEATH PENALTY, PERO ANG MGA PLUNDERER, LUSOT SA BITAY—Isinulong ni Sen. Robin Padilla na patawan ng parusang kamatayan ang mga national, local officials at law enforcers na mapapatunayang sangkot sa drug trafficking sa bansa.


Aba teka, bakit mga sangkot lang sa drug trafficking ang papatawan ng death penalty at hindi kasama ang mga plunderer? ‘Yang mga nangungurakot sa kaban ng bayan ay kabilang sa nagpapahirap sa bansa at sa mamamayan.


Dahil ‘yung mga sangkot lang sa drug trafficking ang nais ni Padilla na patawan ng parusang kamatayan, lumalabas tuloy na ayaw niyang ma-death penalty ang mga kurakot sa gobyerno na adik sa pera, boom!


◘◘◘


UNFAIR SA MAMAMAYAN NA PAGTIPIRIN SA PAGGAMIT NG TUBIG AT KURYENTE—Ang naisip na solusyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (P-BBM) sa mahal at kakapusan ng tubig at kuryente sa Pilipinas ay ang pagtitipid sa tubig at elektrisidad ng mamamayan.


Hay naku, imbes na pababain ng Marcos admin ang bayarin sa tubig at kuryente, ang naisip pa na solusyon ay magtipid daw ang mamamayan.


Unfair sa mamamayan ang statement ni P-BBM, pagtitipirin niya ang publiko, pero silang mga opisyal ng pamahalaan one-to-sawa sa paggamit ng tubig at kuryente porke mamamayan ang nagbabayad sa kanilang monthly water at electric bill, pwe!


◘◘◘


LEGAL NA BA ANG RAKET NG MGA GAMBLING LORDS SA BAGUIO CITY?—

Mistulang legal na ang mga color games at drop balls nina ‘Edna,’ ‘Jimmy’ at ‘Nestor’ sa Magsaysay Road at Kayang Hill Top, at ang mini-casino ni ‘Patrick’ sa Legarda Road at Bokawkan Road, pawang sa Baguio City.


Lantaran kasi ang operasyon ng mga raket na ito, pero ang mga local officials sa pamumuno ni Mayor Benjamin Magalong at pulis-Baguio City sa pamumuno ni chief of police Col. Glenn Lonogan, ay nganga lang, boom!


◘◘◘


KAMPANYA NG PNP CHIEF LABAN SA ILLEGAL GAMBLING, DINEDMA LANG NG MGA PULIS-REGION 4-A—May one-strike policy na inilabas si PNP Chief Gen. Benjamin Acorda laban sa illegal gambling, pero sa kabila nito, tuloy pa rin ang operasyon ng mga raket na perya ng bayan-con jueteng nina ‘John Yap’ at ‘Reden’ sa Cavite; Small-Town Lottery (STL) con jueteng nina ‘Ibora,’ ‘Toce’ at ‘Alvarez,’ sa Laguna; ‘Tisoy,’ ‘Reyes’ at ‘Biskotso,’ sa Batangas at STL-bookies nina ‘Kit’ at ‘Egay’ sa Rizal.


Dapat yatang kuwestyunin ni Gen. Acorda si PNP-Region 4-A Director, Gen. Carlito Gaces kung bakit walang aksyon laban sa illegal gambling sina Regional Intelligence Division (RID) chief, Col. Melvin Montante; Cavite PD Col. Christopher Olazo, Laguna PD Col. Randy Silvio, Batangas PD Col. Pedro Soliba at Rizal PD Col. Dominic Baccay, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page