top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

P-BBM, ‘di raw makikialam sa Maharlika pero biglang epal ngayon, buwisit!!!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 14, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 14, 2023


TAMA SI SEN. IMEE, POWERFUL PA RIN SI EX-P-DUTERTE -- Sabi ni Sen. Imee Marcos ay huwag daw ismolin ng mga anti-Duterte politicians si ex-P-Duterte dahil hanggang ngayon daw ay powerful pa rin ang ex-president.


Totoo ang sinabing ‘yan ni Sen. Imee kasi sa social media ay milyun-milyon pa rin ang mga Duterte Diehard Supporters (DDS), period!


◘◘◘


DATI SABI NI P-BBM HINDI SIYA MAKIKIALAM SA MAHARLIKA INVESTMENT FUND, PERO NGAYON NAKIKIALAM NA -- Dati, ang sabi ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ay hindi raw siya makikialam sa Maharlika Investment Fund (MIF) at bahala na raw ang advisory board na kinabibilangan ng taga-Dept. of Budget and Management (DBM), National Economic Development Authority (NEDA) at Bureau of Treasury (BOT) na mamili ng mga opisyal na uupo sa bubuuing Maharlika Investment Corporation (MIC), na ibig sabihin ay sa mga taong irerekomenda lamang ng advisory body mamimili ang presidente ng mga magiging opisyal ng MIC.


Dati ‘yun, pero sa bagong Implementing Rules and Regulations (IRR) ay napaka-powerful na niya kasi puwede niyang i-reject ang lahat ng irerekomenda ng advisory board. At siya na mismo ang mamimili at nangyari na nga, kasi ang itinalaga niyang president at Chief Executive Officer (CEO) ng MIC ay mismong taong Malacañang na si Presidential Adviser for Investment and Economic Affairs Rafael Consing, Jr.


Hay naku, dati sabi ni P-BBM hindi raw siya makikialam ng mga taong magiging opisyal ng MIC, pero ngayon may pakialam na siya, boom!


◘◘◘


MGA TRAPO, FRIENDS AT SUPPORTERS NI P-BBM, PUWEDE NANG MA-APPOINT SA MAHALIKA INVESTMENT CORP -- Sa dating IRR, ang tanging irerekomenda ng advisory board na mamamahala sa MIC ay mga taong may Master’s degree, may 10 taong karanasan sa finance, investment at economics, may good na track record at ethical standard at mga walang bahid ng corruption.


Ibig sabihin, lahat ng kuwalipikasyon na ‘yan sa mga uupo sa MIC ay tinanggal na, kaya ‘yung mga trapo, friends o supporters ni P-BBM na walang Master’s degree, walang karanasan sa finance, investment at economics, may bad record at may bahid ng corruption umano ay may pagkakataon nang maging mga opisyal ng MIC, buset!


◘◘◘


P-BBM MAGLALAMYERDA ESTE, TUTUNGO NA NAMAN SA U.S. -- Sa Nov. 15, 2023 ay maglalamyerda, este lalabas na naman ng bansa si P-BBM, magtutungo na naman siya sa United States (US) para dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).


Sana, pagbalik ni P-BBM sa bansa ay huwag na niyang ibida na may nahimok na naman siyang dayuhang kapitalista na magnegosyo sa Pilipinas, kasi ang dami na niyang napuntahang ibang bansa at sa kada uwi niya ibinibida niyang may mga nangakong magnenegosyo raw sa ‘Pinas, pero hanggang ngayon kahit isa ay wala pang foreign investors na nagtayo ng negosyo sa bansa, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page