top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

P-BBM, dedma sa mga payo ni Sen. Imee, bagsak tuloy ang rating

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 25, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | October 25, 2023


PABOR SA MAMAMAYAN ANG PANAWAGAN NI SEN. IMEE NA TANGGALIN ANG OIL VAT, PERO DEDMA LANG ANG UTOL NIYANG PRESIDENTE -- Pabor sa mamamayan ang panawagan ni Presidential sister, Sen. Imee Marcos sa gobyerno na tanggalin na ang value-added tax (VAT) sa langis, kasi kapag natanggal na ito (VAT sa langis) ay bababa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa at magdudulot din ito para bumaba ang presyo ng mga bilihin at bayarin.


Kaya lang, dedma lang si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) sa panawagang ito ng kanyang ateng senadora.


Sa totoo lang, ang daming magagandang payo at panawagan si Sen. Imee kay P-BBM, na kung susundin ay tiyak na babango sa publiko ang imahe ng Marcos administration, kaya nga lang ayaw sundin ng Presidente ang payo ng kanyang ate, kaya ang resulta, bumabantot ang pangalang P-BBM at patunay d’yan ang pagbaba ng kanyang rating sa mga survey, period!

◘◘◘


‘IKA NI P-BBM, BABABA NA ANG PRESYO NG BIGAS, TUGON NG SINAG, HINDI, DAHIL MAS TATAAS PA RAW -- Matapos tanggalin o i-lift ni P-BBM ang price cap sa bigas noong October 4, 2023, ay ibinida ng Pangulo na pababa na raw ang presyo ng bigas sa merkado.


Ang masaklap, ang ibinidang ito ni P-BBM na kesyo bababa na raw ang presyo ng bigas ay taliwas sa inanunsyo ng Samahang Industriya sa Agrikultura (SINAG) na sa unang linggo ng Nobyembre 2023 ay may nagbabadyang rice price hike na aabot sa P50 per kilo ang pinakamurang presyo ng bigas.


Kapag nagkatotoo ang sinabing ‘yan ng SINAG, onli in da ‘Pinas lang na may presidenteng nampi-fake news, kasi sabi niya bababa na, ‘yun pala mas tataas pa ang presyo ng bigas, boom!

◘◘◘


KAILAN PA AAKSYON ANG DMW PARA SUNDUIN ANG MGA OFWs NA GUSTONG UMALIS SA ISRAEL, KAPAG MAY ‘NO FLIGHT ZONE’ NA ROON? -- Sa interview ng media kay Usec. Hans Leo Cacdac, Officer-in-Charge (OIC) ng Dept. of Migrant Workers ay sinabi niya na may mahigit 120 overseas Filipino workers (OFWs) sa Israel ang nais nang umuwi sa Pilipinas sa takot na maipit sa digmaan ng Israel gov’t. at Hamas-Palestine Terrorists Group.


Sa halip na tugunan agad ang panawagan ng mga OFWs, ang sabi ni Cacdac sa interview ay hindi raw nila agad-agad tinutugon ang panawagan ng mga Pinoy workers, paulit-ulit daw nilang tinatawagan ang mga ito para siguruhing nais na talagang umalis nila sa Israel para umuwi sa ‘Pinas.


Ano bang klaseng gov’t. official ‘tong si Cacdac, kasi gusto na ngang umuwi, binabalam pa sa pag-uwi sa ‘Pinas ng mga OFWs sa Israel. Eh, kailan pa aaksyon ang DMW, kung kailan nagdeklara na ng “no flight zone” ang Israel govt.? Pwe!


◘◘◘


PARA MAKATIPID ANG GOBYERNO, BUWAGIN ANG OWWA DAHIL DUPLIKASYON LANG NG MANDATO NITO SA DMW -- Kung nais ng Marcos admin na makatipid ang gobyerno sa “Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE”, ang dapat gawin ni P-BBM ay buwagin na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) dahil duplikasyon lang ito ng mandato ng Dept. of Migrant Workers (DMW).


Mantakin n’yo, yearly ay may bilyun-bilyong pisong budget ang DMW at OWWA, eh, pareho lang naman ang mandato nila, at ito ay ang pangalagaan ang kapakanan ng mga OFWs, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page