top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

P-BBM, dapat manguna sa imbestigasyon vs. Agri-smuggling kahit sabit ang utol ni FL Liza

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 1, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Pebrero 1, 2023


ENRILE DALDAL NANG DALDAL VS. ICC, PERO TAHIMIK SA PAGPAPALAYA KAY GIGI REYES – Nagdadaldal si Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na hindi raw niya papayagang pumasok sa Pilipinas ang mga imbestigador ng ICC (International Criminal Court) para imbestigahan ang mga naganap na EJK (extrajudicial killings) sa bansa sa panahon ng Duterte administration, pero pagdating sa isyu ng pagpapalaya sa pamamagitan ng piyansa sa kapwa niya sangkot sa pork barrel scam, may kasong plunder na si Gigi Reyes na dati niyang chief of staff, dedma lang ang presidential legal counsel.


Hay naku, ‘yung mga taga-ICC na hangad ay mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng EJK hindi papayagan ni Enrile na pumasok sa bansa, pero ang pananahimik niya sa pagpapalaya kay Gigi Reyes na kabilang sa nambiktima sa pera ng bayan, ay indikasyong payag si Enrile na pinalaya ito, boom !


◘◘◘


HABEAS CORPUS PETITION SANDATA NOON NG MGA POLITICAL PRISONERS, PERO NGAYON AY SANDATA NA RIN ITO NG MGA PLUNDERER – Sumikat ang habeas corpus petition sa korte noong kasagsagan ng aktibismo at protesta sa panahon ng administrasyong former Pres. Ferdinand E. Marcos Sr. na ang sinumang aktibista at sa hanay ng oposisyon na inaaresto at ikinukulong noon ay ang ganitong uri ng petisyon (habeas corpus) ang inihahain sa korte para mapalaya ang mga inaaresto at ikinukulong noon.


Sa maikling salita, ang habeas corpus petition ay sandata noon ng mga political prisoners para sila ay palayain ng korte mula sa pagkakakulong, pero sa panahon ngayon, ang ganitong uri ng petisyon, ang habeas corpus ay ginagamit na rin ng mga plunderer na tulad ni Gigi Reyes para makalaya. Ha-ha-ha!


◘◘◘


PARA HINDI MASABING KINUKUNSINTE ANG AGRI-SMUGGLING, DAPAT SI P-BBM ANG MAG-UTOS NA IMBESTIGAHAN SI ‘MICHAEL MA’ NA BUSINESS PARTNER NG UTOL NG FIRST LADY – Lumutang sa imbestigasyon ng Kongreso ang pangalang “Michael Ma” na isa sa mga agri-smugglers sa Pilipinas na nagho-hoard ng mga agri-products, kaya nagmahal ang presyo ng sibuyas, asukal, asin at itlog sa bansa, at ang matindi, kalat ngayon sa social media ang post nina Marcos supporters veteran journalist Ramon Tulfo at vlogger Maharlika, na ang taong ito (Michael Ma) ay business partner ni Martin Araneta na kapatid ni First Lady Liza Araneta-Marcos.


Dapat mismong si Pangulong Bongbong Marcos na ang mag-utos sa Customs at NBI na imbestigahan si “Michael Ma” kasi kung dededmahin lang niya ang isyung ito, ay tiyak mag-iisip ang mamamayan na kinukunsinte niya ang agri-smuggling sa Pilipinas na nagpapahirap sa mamamayang Pilipino, boom!


◘◘◘


HANGGA’T HINDI SINUSUSPINDE ANG PAHIRAP NA OIL EXCISE TAX NI EX-P-DUTERTE, HINDI BABABA ANG PRESYO NG MGA PRODUKTONG PETROLYO –Tumaas na naman ang presyo ng gasolina, diesel, kerosene at LPG (liquefied petroleum gas) sa bansa.


Sa totoo lang, hangga’t hindi sinususpinde ni P-BBM ang pahirap na oil excise tax na isinabatas ni ex-P-Duterte, hindi bababa at babalik sa murang presyo ang mga produktong petrolyo sa ‘Pinas, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page