top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

P-BBM, dapat magpakitang gilas sa pambu-bully ng China sa mga Pinoy sa WPS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 15, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Pebrero 15, 2023



SA PANAHON NI EX-P-DUTERTE, NAGKAROON NG POWER ANG MGA PINOY AT CHINESE GAMBLING LORDS—Kung ang mga POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) Chinese gambling lords ay may utang na mahigit P2.3 billion sa PAGCOR, ay may utang din na higit P5 billion ang mga STL (Small-Town Lottery) Pinoy gambling lords sa PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office).


Walang ibang dapat sisihin d’yan kundi ang Duterte administration dahil masyadong bineybi at binigyan ng power ni ex-P-Duterte ang mga balatubang Pinoy at Chinese gambling lords na mag-operate ng mga pasugalan gamit ang mga tanggapan ng PCSO at PAGCOR, period!


◘◘◘


JACKPOT SILA SA PAGIGING PRESIDENTE NI P-BBM DAHIL SI GIGI REYES AY NAKALAYA SA KASONG PLUNDER AT SI ENRILE AY NAABSUWELTO SA KASONG GRAFT—Matapos palayain ng Supreme Court (SC) noong Enero 19, 2023 sa pamamagitan ng piyansa si Gigi Reyes — dating chief of staff ni former senator at ngayo’y Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na may kasong plunder kaugnay sa pork barrel scam — inabsuwelto naman ng SC noong Pebrero 8, 2023 si Enrile sa kinasangkutan nitong kasong graft na may kaugnayan naman sa coco levy fund scam.


Sa totoo lang, jackpot ang mag-among Enrile at Reyes sa pagkakapanalo ni President Bongbong Marcos (P-BBM) dahil sa panahon ng Marcos administration, nakalaya si Gigi at naabsuwelto sa kaso si Manong Johnny. Boom!


◘◘◘


DAPAT MAGPAKITANG-GILAS SI P-BBM LABAN SA CHINA, HUWAG GAYAHIN SI EX-P-DUTERTE NA NGANGA LANG—Dapat magpalabas ng diplomatic protest ang Marcos administration laban sa China na ‘tumira’ ng nakakabulag na military-grade laser light sa isang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG). Ang naturang tauhan ay maghahatid lang sana ng supply na pagkain at kagamitan sa mga sundalo ng Philippine Marines na naka-station sa barko ng Philippine Navy na sumadsad sa Ayungin Shoal na sakop ng West Philippine Sea (WPS).


Dapat magpakitang-gilas si P-BBM sa isyung ito at huwag niyang tularan si ex-P-Duterte na nganga lang sa pambu-bully ng Chinese Coast Guard (CCG) sa mga Pilipinong sundalo at mangingisda sa WPS, period!


◘◘◘


SA PANAHON NG MAMBU-BULLY NA SI EX-P-DUTERTE, NAG-TOP SA MUNDO ANG ‘PINAS NA MARAMING KASO NG PAMBU-BULLY—Sa isinagawang pagsusuri ng Program for International Student Assessment (PISA), sa 70 bansa sa mundo, nag-number 1 ang Pilipinas sa dami ng kaso ng bullying sa mga batang mag-aaral noong mga taong 2018 at 2019, at bahagya lang itong bumaba sa panahon ng pandemya noong year 2020 hanggang 2021.


Ang presidente ng bansa sa panahong ‘yan ay ang mambu-bully na si ex-P-Duterte at marahil inaydol siya ng mga batang mag-aaral, kaya naitala ang Pilipinas na No. 1 sa dami ng kaso ng bullying sa mga eskuwelahan. Boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page