top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

P-BBM bilang namumuno sa DA, anyare na?!

  • BULGAR
  • Dec 12, 2022
  • 1 min read

@Editorial | December 12, 2022


Umaabot na umano sa isang bilyong piso ang halaga ng mga nahuhuling puslit na agricultural products mula nang magsimula ang bagong administrasyon.


Kaya dapat lang na mas higpitan ng Department of Agriculture (DA) at ng Bureau of Customs (BOC) ang pagbabantay sa pagpasok ng imported agricultural products sa bansa.


Ang tanong pa, sa dami ng nahaharang na illegal products, ilang smuggler na kaya ang nasampahan ng kaso?


'Di kaya pinagtatawanan na lang nila ang sistema ng bansa? Tipong okay lang na masabat dahil puwede pang magpuslit ulit lalo kung mura lang nilang nakukuha ang mga produkto.


Ito ang pumapatay sa kabuhayan ng ating mga local farmers. Habang bumabaha ng mga ilegal na imported agri-products, humihina naman ang pag-asa nilang makabangon mula sa pandemya at krisis.


Sa kabila nito'y naturingan pa namang si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang namumuno sa DA.


Sana ay magkaroon na ng mas mabigat na parusa ang ating gobyerno laban sa mga smugglers. Kung may mga opisyal o empleyado sa bansa na sangkot din sa ilegal na gawain, patawan din ng matinding parusa.


Sa tagal ng panahon at sa dami ng nakakalusot, sana ay mas matatag at may tapang na ang ating batas laban sa illegal importation.


Ngayon natin mas kailangan na ibangon ang ating ekonomiya. Alisin ang mga sagabal, panagutin ang mga pasaway.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page