top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Overpriced laptop, ‘di na napakinabangan ng mga titser, ibinenta pa online, hanep!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 11, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | May 11, 2023


DOBLE-DUGAS ANG INABOT NG MGA PINOY SA DUTERTE ADMIN DAHIL ANG MGA LAPTOP NA BINILI NANG OVERPRICED AY ‘DI IBINIGAY SA MGA GURO, KUNDI IBINEBENTA—Ibinulgar nina ACT Teacher partylist Rep. France Castro, Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas at Kabataan partylist Rep. Raoul Manuel na ang ilan sa mga overpriced na laptop na binili ng mga dating appointee ni ex-P-Duterte sa Department of Education (DepEd) ay ibinebenta na online at maging sa mga surplus store.


Hay naku, kaya naman pala nagrereklamo ang ilang public school teachers na wala namang ibinigay na laptop sa kanila ang DepEd ay dahil ibinebenta na ang mga ito.


Dahil d’yan, lumalabas na doble-dugas ang inabot ng mga Pinoy taxpayers sa mga kurakot na tauhan ni ex-P-Duterte. Imbes na ipamigay sa mga guro ang mga biniling laptop ay ibinebenta pa, mga buset!


◘◘◘


MASISIBA SA KUWARTA ANG MGA APPOINTEE NI EX-P-DUTERTE—Sa totoo lang, kung pangungurakot sa pera ng bayan ang pag-uusapan, wala na yatang tatalo sa Duterte administration. Bukod sa ginawa nilang doble-dugas sa laptop na para sana sa mga guro, sa kasagsagan ng pandemya noong 2020, habang maraming mamamayan ang namamatay sa COVID-19, sinabayan naman ito sa pang-i-scam sa kaban ng bayan.


Kabilang na r’yan ang nabulgar na P15 billion scam sa PhilHealth at P12 billion scam ng PS-DBM (Procurement Service-Department of Budget and Management) at Pharmally Pharmaceutical Inc.


Ganyan kasiba sa kuwarta ang mga appointee ni ex-P-Duterte sa DepEd, PS-DBM at PhilHealth, boom!


◘◘◘


MGA TRAPONG CONG., NAMAYAGPAG DIN SA ‘PORK’ NOONG DUTERTE ADMIN—Maging ang mga trapo na kongresista ay namayagpag din sa panahon ng Duterte administration.


Kung dati ay daan-daang milyong piso lang ang pork barrel ng mga ito, nang maging presidente at mamuno sa bansa si ex-P-Duterte, naging bilyun-bilyong piso na ang ‘pork’ ng mga trapong ito, mga pwe!

◘◘◘


PATI MGA DRUG LORDS AT GAMBLING LORDS, NAMAYAGPAG SA PANAHON NI EX-P-DUTERTE—Sa panahon ng nakaraang administrasyon, hindi lang mga kurakot at pork barrel politicians ang namayagpag kundi pati mga drug lords at gambling lords.


Patunay d’yan na noong administrasyong Duterte, tone-toneladang shabu na ang ipinupuslit ng mga Chinese drug lords papasok sa ‘Pinas, tapos ‘yung mga gambling lords naman ay malayang nakapag-operate ng kahit anong uri ng sugal at kung saan nila gustong maglagay ng mga pasugalan, tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page