top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Out of place raw sa kani-kanyang pamilya ng parents…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 17, 2020
  • 2 min read

KC, MAS ENJOY NA KASAMA ANG MGA ASO KESA KINA SHARON AT GABBY

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 17, 2020




Kilalang magaling na broadcast journalist si Luchi Cruz-Valdes na dating nagtrabaho sa ABS-CBN. Naging mentor niya noon sina Tina Monzon-Palma at Cheche Lazaro.

Ang galing-galing ding documentarist ni Luchi at naging asset siya ng TV5 nang mapunta siya sa nasabing network. May regular program siya ngayon sa Kapatid Network, ang kasisimula lang na URL (Usapang Real Life) na kakaiba ang concept.

Sa pilot episode nito last Saturday, naging special guest at katsikahan ni Luchi ang kaibigan niyang broadcaster na si Karen Davila. Ang personal na buhay niya ang kinumusta ni Karen at nalaman ng mga viewers na biyuda na si Luchi at may 3 anak na puro lalaki.

Maraming nag-abang sa one-on-one interview ni Luchi Cruz-Valdes kay KC Concepcion, ang anak nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Curious ang marami na malaman kung bakit naiyak si KC nang matanong tungkol sa kanyang pagiging independent at pamumuhay mag-isa gayung may mama at papa pa naman siya.


Honest naman si KC nang sabihing feeling out of place na siya dahil may sari-sariling pamilya na ang kanyang parents. Hindi niya alam kung saan pa niya ilulugar ang sarili. Kaya, kinaya niyang mamuhay nang mag-isa.

Nitong may Covid pandemic ay mga pet dogs lang ang kasama ni KC sa kanyang condo. At upang hindi maburyong ay nag-aral siyang mag-bake at magluto.

Nagpaturo raw siya ng pagluluto kina Judy Ann Santos, Pokwang at sa kaibigang chef sa USA na personal chef ng mga Kardashians.

At noong nag-lockdown ay nag-donate siya ng kaban-kabang bigas bilang ayuda sa mga nangangailangan.

Laging nasa isip ni KC na gusto niyang gumawa ng good deeds sa kapwa upang maipagmalaki ng kanyang parents.

Three years na namahinga sa showbiz si KC nang mag-aral abroad. At ngayong 2020 ay excited siyang mag-fulltime sa kanyang pagbabalik-showbiz. Pero, inabot naman ng Covid pandemic kaya hold muna ang mga inihandang projects and endorsements na kanyang gagawin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page