top of page
Search
  • BULGAR

Ospital ng Tondo, 10 araw hindi tatanggap ng pasyente

ni Thea Janica Teh | August 14, 2020




Pansamantalang titigil ang Ospital ng Tondo sa Maynila sa pagtanggap ng pasyente sa loob ng 10 araw matapos 32 doktor at nurse ang nagkasakit dahil nagkaroon ng exposure sa COVID-19 patients.


Ayon kay Mayor Isko Moreno, nagbigay ng request ang director ng ospital dahil sa 32 doktor at nurse na naging pasyente sa sariling ospital. Kaya naman, para mabawasan ang burden ng mga doktor at nurse ay minarapat itong ihinto pansamantala ang pagkuha ng mga pasyente.


Samantala, tatanggap pa rin ang ospital ng mga pasyenteng kinakailangan ng medical emergency at immediate treatment habang ang ibang pasyente naman ay ililipat sa 5 pang pampublikong ospital.


Patuloy pa rin ang pagbibigay ng treatment sa mga pasyenteng nasa Ospital ng Tondo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page