top of page
Search
BULGAR

OSG, kasuhan ang mga Chinese sa ilegal na pagbili ng lupa — QuadComm

ni Angela Fernando @News | Oct. 21, 2024



Photo: QuadComm / MRFS / circulated / FB

 

Hinimok ng House Quad Committee (QuadComm) ang Office of the Solicitor General (OSG) na magsampa ng mga kasong forfeiture laban sa mga Chinese nationals na nakabili ng libu-libong ektarya ng lupa sa bansa, sa kabila ng pagbabawal ng Konstitusyon sa mga dayuhang magmay-ari ng lupa sa 'Pinas.


Ipanasa nitong Lunes ng mga lider ng QuadComm sa OSG ang mga dokumento na may kaugnayan sa mga lupang nakuha at mga ari-arian na pinaniniwalaang pag-aari, binili, at kinamkam ng mga Chinese nationals.


"In the course of the investigation of the Committee on Public Accounts and the Committee on Dangerous Drugs, we have discovered that there are several Chinese personalities who acquired thousands of hectares of land in the province of Pampanga," saad ni QuadComm lead chairperson Rep. Robert Ace Barbers.


Ayon kay Barbers, ipinasa ang mga dokumento sa OSG upang magsagawa sila ng sariling imbestigasyon para sa posibleng pagsasampa ng mga kaso ng forfeiture laban sa mga nasabing ari-arian.


"Consider this: there are almost 300 land titles acquired for one corporation. This means there are a lot of Chinese corporations pretending to be owned by Filipinos," pahayag pa nito.


Pagbibigay-diin ni Barbers, isang Chinese national na kinilalang si "Willie Ong," na namumuno sa korporasyong Empire 999, ay may hanggang 300 titulo ng lupa na nakapangalan sa kanya, kahit na bawal ito sa batas at pinapayagan lamang ang mga dayuhang magmay-ari ng hanggang 40% ng isang negosyo.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page