Oplan Tokhang, ibabalik — PDEA
- BULGAR

- Sep 25, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | September 25, 2020

Ipagpapatuloy na ang operasyon ng pamahalaan ng Oplan Tokhang kapag natapos na ang pandemya ng COVID-19, ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Director General Wilkins Villanueva.
Sa ginanap na presscon, binanggit ni Villanueva na ang Oplan Tokhang o ang pagsasagawa ng mga law enforcers ng knock-and-plead strategy sa mga hinihinalang drug suspects para matigil ang paggamit ng ilegal na droga ay ipapatupad sa mga lugar na walang barangay anti-drug abuse council (BADAC).
"Mayroon pa rin kaming totokhangin na yet to implement and that will follow right after COVID. Kasi sa ngayon, mahirap makipagsabayan sa COVID, eh. Right after matapos ang COVID, doon kami mag-i-start na mag-tokhangan," sabi ni Villanueva.
"To tell everybody, kung ang barangay ninyo ay wala pang barangay anti-drug abuse council, tokhangin ninyo si kapitan. Dapat mag-organize sila ng barangay anti-drug abuse council. So doon pa lang sa level pa lang na 'yun, kasi 'yun ang unang level sa barangay drug-clearing, eh," dagdag niya.
Naging kontrobersiyal ang nasabing operasyon dahil maraming namamatay sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na iniuugnay sa laban nito sa illegal drugs.




Comments