Oplan Balik Eskwela 2022... 2.5 milyong estudyante sa susunod na pasukan
- BULGAR

- Apr 26, 2022
- 1 min read
ni Zel Fernandez | April 26, 2022

Sa kasalukuyang tala ng Department of Education (DepEd) ng Oplan Balik Eskwela 2022, tinatayang aabot na sa higit 2.5 milyong estudyante ang maagang nakapagpalista para sa darating na pasukan ngayong taon.
Batay sa huling datos ng DepEd, kahapon ng Abril 25, 2022, bandang alas-5 ng umaga, umabot na sa 2,571,170 learners sa buong bansa ang maagang nakapagparehistro sa Kindergarten, Grade 1, Grade 7, at Grade 11.
Nangunguna sa listahan ng rehiyong may pinakamaraming bilang ng pre-enrolled learners — ang CALABARZON region (257,849) na sinundan ng Region 5 (232,889), at NCR (190,317).
Mas kakaunti naman ang kasalukuyang bilang ng mga nagpatala sa Region IX - Zamboanga Peninsula (85,032), sinundan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (75,493) at huli ang Cordillera Administrative Region (39,414).








Comments