Opisyal ng NBI, positibo sa covid 19; mga opisina temporary shutdown
- BULGAR

- Jul 30, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | July 30, 2020

Isang National Bureau of Investigation official ang nagpositibo sa COVID-19, ito ang kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra.
Gayunman, tumangging ibigay ni Guevarra ang pangalan ng opisyal ng NBI na nagpositibo.
Ayon sa kalihim, naka-quarantine na ang opisyal at nagpapagaling.
Nagsagawa na rin ng temporary shutdown sa mga opisina ng NBI para sa disinfection.
Gayundin, naka-quarantine na ang mga naging closed contact ng naturang opisyal ng NBI.





Comments