top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Operasyon ng MRT at LRT, pansamantalang ititigil dahil sa MECQ

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 3, 2020
  • 1 min read

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 3, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Simula bukas, August 4 ay muling ititigil ang operasyon ng Metro Rail Transit 3 Line at Light Rail Transit lines 1 and 2 bilang pagsunod sa ibinabang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila atbp. lugar.

Saad ng DOTr MRT-3 sa kanilang tweet, “MAHALAGANG PAALALA: Dahil sa pagpapanumbalik ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Kalakhang Maynila, pansamantala po munang ititigil ang operasyon ng MRT-3 simula Aug. 4, hanggang Aug. 18, o hanggang maibalik muli ang NCR sa GCQ.”

Tweet naman ng LRT2, "Sa mga minamahal naming pasahero, simula bukas, ika-4 ng Agosto hanggang ika-18, 2020 pansamantalang ititigil ang operasyon ng LRT-2 kaugnay ng pagpapanumbalik ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Kalakhang Maynila.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page