top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Operasyon ng mga pasaway na POGO, stop!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 30, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | June 30, 2023


Mahigit 2,700 manggagawa, na karamihan ay mga Chinese na pinaghihinalaang biktima ng human trafficking, ang nasagip ng pulisya sa isang self-contained Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) complex sa Las Piñas City.


Nagsagawa ng raid ang mga operatiba mula sa Anti-Cybercrime Group (ACG), Intelligence Group, at National Capital Region Police Office ng Philippine National Police (PNP) sa pitong gusali ng isang POGO hub sa Alabang-Zapote Road sa Barangay Almanza Uno habang armado ng limang warrant upang mag-search, seize, at i-examine ang kanilang mga computer data.


Samantala, ang mga gusali ay nagsisilbing living quarters at working station ng mga empleyado ng Xinchuang Network Technology Inc. o dating kilala bilang Hong Tai, isa sa 111 POGO service provider na kinikilala ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).


Ayon kay ACG spokesperson Capt. Michelle Sabino, sinabi ng mga biktima na sila ay mga empleyado ng isang “online casino” na na-recruit sa pamamagitan ng job postings sa social media.


Sa totoo lang, marami ng problema ang bansa, at wala naman silang naitutulong sa atin, ngunit dumadagdag pa sila sa mga suliranin sa Pilipinas.


Dapat alisin na ang POGO, dahil mistulang magnet na ito sa mga kriminalidad na nangyayari sa bansa, na ang binibiktima ay mga dayuhan at pati na rin mga Pilipino.


Talamak na rin ang human trafficking at kidnapping na ginagawa ng mga Chinese na empleyado ng POGO. Batid din natin na maraming tutol dito dahil totoo namang wala silang naiaambag sa ekonomiya at nandadaya pa sa buwis.

Nananawagan tayo sa gobyerno na tugisin na ang mga POGO na ginagawang pugad ng pang-aabuso at panloloko ang Pilipinas dahil kung hindi ito masosolusyunan agad, asahan pa ang pagdami ng krimen sa bansa.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page