Open Invt'l Race ng Imported & Local Horses
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | July 31, 2022
Tiyak na matinding bakbakan ang mapapanood ng mga karerista sa magaganap na Open Invitational Race for Imported & Local Horses ngayong araw sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.
Inaasahang magdodomina sa takilya ang mga kalahok na My Prancealot at magka-kuwadrang In The Zone at Tony's Love sa distansiyang 1,800 meter race.
Ang ibang kalahok sa event na nakalaan ang guaranteed prize na P500,000 ay sina A.P. Factor, Dragon Butterfly, Isla Puting Bato, Joyous Solution at Sudden Impact.
Mag-uuwi ang mananalong kabayo ng P300,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Rerendahan ni jockey NC Lunar si My Prancealot habang sina Pabs Cabalejo at MA Lanot ang gagabay kina Tony's Love at In The Zone ayon sa pagkakasunod.
Hahamigin ng second placer ang P100,000 habang tig P50,000 at P25,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod. Kukubrahin din ang fifth ng P15,000 at P10,000 naman ang sa sixth.
Samantala, may 11 karera ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. kaya paniguradong maligaya na naman ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Robin Hood, Beli Bell
Race 2 - Greatest Joy, Charm N Luck
Race 3 - My Prancealot, In The Zone/Tony's Love Race 4 - Aroma, Noh Sen Young Yana
Race 5 - Hee Nieve Rahh, I'll Be There
Race 6 - Concepcion, Sky Dancer
Race 7 - Bebang, Magnolia Yana
Race 8 - Alonzo Hall, Pendant
Race 9 - Kingwash DirtBgone, Jawo
Race 10 - Caraga Wonder, Phenom, Lady Khaleesi
Race 11 - Cupid Bell, Sheer, See You Tomorrow





Comments