top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

OOTD ng mga pulitiko, mas pinag-usapan kesa SONA ni P-BBM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 27, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | July 27, 2023


SONA NI P-BBM, SAPAW SA FASHION SHOW NG MGA BABAENG PULITIKO AT MISIS NG MGA TRAPO — Sapaw ang inabot ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (P-BBM) sa naggagandahang mamahaling gown at tribal outfit ng mga babaeng pulitiko at misis ng mga traditional politicians (trapo) na dumalo sa SONA ng Presidente.


Nagmistulan kasing fashion show ang SONA ni P-BBM, kasi mas pinag-usapan ng publiko ang outfit ng mga babaeng pulitiko at misis ng mga trapo kaysa sa SONA ng presidente, boom!

◘◘◘


ONLI IN DA ‘PINAS LANG NA ANG FAKE NEWS NG PRESIDENTE AY PINAPALAKPAKAN NG MGA TRAPO — Ang sinabi ni P-BBM sa kanyang SONA na mababa na ang presyo ng mga bilihin ay fake news, pero ang sinabing ito ng presidente ay pinalakpakan ng mga trapo.


Hay naku, onli in da ‘Pinas lang 'yan, na ang fake news ng presidente ay pinapalakpakan ng mga trapo, mga pwe!

◘◘◘


PAGKAKAROON NG NAKAKALULANG CONFIDENTIAL FUNDS, KABILANG SA 1-YEAR ACHIEVEMENTS NINA P-BBM AT VP SARA —Kabilang sa naging achievements nina P-BBM at Vice President, Department of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte sa mahigit isang taong panunungkulan nila sa bansa ay 'yung nagkaroon sila ng mga nakakalulang confidential funds.


Si P-BBM ay may P4.5 billion confidential fund, at si VP Sara naman ay may P500 million confidential na sa Office of the Vice President (OVP) at nagka-P150 million confidential fund pa sa Office of DepEd Sec.


Hindi joke ang pagkalalaking halaga na 'yan, na malaya nilang gagastahin nang walang kaakibat na resibo kung saan nila ginasta, buset!


◘◘◘


KINURAKOT DAW NG ILANG OPISYAL NG MALAYSIA ANG KANILANG GOVT. INVESTMENT FUND, TAPOS D’YAN PA IPU-PROMOTE NI P-BBM ANG MAHARLIKA INVESTMENT FUND — Nasa Malaysia na ngayon si P-BBM para i-promote ang P500 billion Maharlika Investment Fund (MIF).


Hay naku, sa dinami-rami ng bansang puwedeng i-promote ang Maharlika Investment Fund, ay sa Malaysia pa ito unang ipu-promote, eh ang dating prime minister at ilang opisyal ng bansang 'yan ay nabalita na sa mundo, na ang ginawa sa kanilang government investment fund ay kinurakot, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page