top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Online scammer strikes again

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 14, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | April 14, 2023


Kahit sa anong paraan, nagagawa talaga ng mga scammer ang kanilang modus na makapanloko.


Ito ang idinulog ng isa sa ating mga readers kamakailan, kung saan nabiktima siya ng online scam.


Kuwento ni Fe Babes F. Cristobal, nag-order siya ng sandals mula sa isang online store.


At dahil sa batid niyang ang kalakaran sa online shopping ay kapag nakapili na ng nais na bilhin, magse-send na rito ng mensaheng ‘add to cart’.


Gayunman, sinabi ni Cristobal na ang nai-deliver sa kanyang item ay isang jacket na sa pakiwari niya ay nanggaling sa isang ukay-ukay store, at isang pares ng slippers.


Agad naman siyang nag-message sa naturang store, subalit ang kanyang mensahe ay nananatiling unsent habang hindi na niya makontak ang sinuman mula sa supplier hanggang sa ngayon.


Sa tingin ni Cristobal, gusto lamang ng nasabing supplier na i-dispose ang lahat ng kanilang mga produkto at kung sakaling may mga complaints o mga reklamo ay pinapatay naman nila ang kanilang accounts.


Kadalasan, madali tayong nagtitiwala sa mga online store dahil maganda ang mga ipinakikita nilang mga produkto na pasok sa ating mga panlasa.


Minsan pa, hindi na natin tinitingnan ang presyo kung mahal ba ito o mura, basta kapag nagustuhan na, agad na magpapadala ng mensahe na ito ay bibilhin.


Marahil, paalala ito sa atin na dapat tayong maging mapanuri sa mga bagay at makipagtransaksyon lamang sa mga legit na online sellers para hindi na maloko pa.


Sa kinauukulan, matutukan sana ito nang husto dahil dumarami na rin ang mga report na nai-scam na mga kababayan habang hulihin at patawan ng parusa mapatunayang scammer.


Maging patas din sana ang mga online store sa kanilang mga produkto sa halip na gawing manloko.


Mas dadami pa ang inyong mga kustomer kung paiiralin ang pagiging tapat sa kanila.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page