top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Online sabong operators hataw na naman, walang takot kay P-BBM?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 28, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | April 28, 2023


WALANG KATAPUSAN ANG PAGDURUSA NG PINOY DAHIL SA MATAAS NA PRESYO NG BILIHIN, MARAMING JOBLESS, BAON SA UTANG AT MAY DAGDAG-SINGIL PA SA KURYENTE—Next month ay magtataas na naman ng singil sa kuryente ang Meralco at ibang electric cooperative.


Hay naku, wala nang katapusang pagdurusa ang inaabot ng mamamayan sa ilalim ng Marcos administration dahil ang taas na ng presyo ng mga bilihin, milyun-milyon ang jobless at baon pa sa utang ang Pilipinas, tapos nakadagdag pa sa sakit ng ulo ng publiko ang dagdag at mataas na bayarin sa kuryente, tsk!


◘◘◘


ANG DAMING KRIMEN NA KINASASANGKUTAN NG MGA PASUGALAN, PERO AYAW PANG IPA-STOP NG GOBYERNO—Ayon sa pamilya at mga kaalyado ni yumaong Negros Oriental Gov. Roel Degamo, ang perang ipinambabayad ni suspended Cong. Arnolfo Teves Jr. sa mga hired killers para pumatay ng tao at mga kalaban nila sa pulitika, ay mula sa kinikita sa pasugalan niyang Small Town Lottery (STL)-con jueteng at online sabong. Sa isyu naman ng online sabong, may mga nawalang sabungero r’yan, na ang hinala ay mga pinatay na, at ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), bukod sa patayan, may kidnapping pang nagaganap dahil sa away ng mga Chinese POGO operators.


Pero sa kabila ng pagkakasangkot sa karumal-dumal na krimeng pagpatay ng mga tao, plus may kidnapping pang nagaganap dahil sa mga pasugalang ‘yan, ayaw pa itong ipa-stop ng gobyerno sa katwirang nagbabayad naman daw ng tax sa pamahalaan ang mga gambling lords, buset!


◘◘◘


SA PANAHON NI EX-P-DUTERTE, LUMAGANAP ANG STL-CON JUETENG, ONLINE SABONG AT POGO—Sa panahon ni ex-P-Duterte, nag-umpisang lumaganap ang STL-con jueteng, online sabong at POGO.


‘Yan ang isa sa bad na nangyari sa panahong si ex-P-Duterte pa ang Pangulo ng Pilipinas, kasi imbes na itokhang ang mga gambling lords, eh, bineybi pa ng Duterte administration, pwe!


◘◘◘


ONLINE SABONG OPERATORS, WALANG TAKOT KAY P-BBM; IPINATIGIL NA, PERO NAG-O-OPERATE NA NAMAN—Tila walang takot kay Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ang mga operator ng mga online sabong.


Ipina-stop na kasi ni P-BBM ang operasyon ng online sabong, pero ngayon ay nagbalik ang operasyon nito sa social media, at maraming netizens na naman ang nabibiktima ng ganitong uri ng pasugalan, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page