top of page
Aiko Melendez at Kim Chiu - IG.jpg

Online gaming, gamit ng terorista vs. kabataan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | July 2, 2026



Shielding Filipino youth from extremist online games - Senate PH

Photo: Senate PH



Posible umanong may kaugnayan ang online extremist group na ‘764’ sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.


Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, sinabi ni Senator Risa Hontiveros na may mga indikasyong naimpluwensiyahan ng naturang grupo ang insidente noong Hunyo 22.


Itinuturing ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang ‘764’ bilang banta sa pambansang seguridad, habang idineklara naman ito ng pamahalaan ng Canada bilang isang teroristang grupo.


Ayon sa senadora, ang grupo ay itinatag ng isang 15-anyos na binatilyo na hinihikayat ang mga vulnerable minors sa internet na gumawa ng karahasan at iba pang mapanganib na gawain.


“Sabi mismo ng FBI, the leaders of the group are pushing victims to create graphic pornography, to harm family pets, to cut themselves with sharp objects, or to even die by suicide,” ani Hontiveros.


“Ang mahirap nito, kung hindi nararamdaman ng bata sa totoong buhay ang respeto at pagtanggap o belonging, ang mga puwang na iyan ay pinupunuan ng mga masasamang online community nang may mabigat na kapalit sa pagsunod, sa pananakit, at minsan, sa karahasan,” dagdag pa nito. 


Nabatid din na gumagamit ang naturang grupo ng mga chat feature sa online gaming platforms tulad umano ng Roblox, Minecraft, at GoreBox para makapag-recruit ng mga kabataan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page