top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Online classes tuwing may kalamidad, bad idea!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 29, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | July 29, 2023


Upang maiwasan ang pagkagambala sa pag-aaral, ang pagsususpinde ng klase sa panahon ng mga sakuna o kalamidad ay nasa face-to-face component lamang, kung saan ang mga mag-aaral ay inaasahang magpapatuloy sa kanilang pag-aaral sa bahay.

Sa ilalim ng updated na guidelines sa pagkansela ng mga klase na inisyu ng DepEd noong nakaraang taon, “in the event of cancelled or suspended classes, modular distance learning, performance tasks, projects or make up classes ay dapat ipatupad upang matiyak na ang learning competencies at layunin ay natutugunan pa rin”.

Nakasaad sa patakaran na ang “in-person, online classes at work” sa mga pampublikong elementarya at mataas na paaralan ay awtomatikong suspendido sa mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone wind signals, orange at red rainfall warning at flood warning.

Ipinapatupad din ang mga awtomatikong pagkansela sa mga lugar na nasa ilalim ng Intensity 5 o mas mataas kasunod ng lindol.

Naglabas din ang ahensya ng memorandum noong unang bahagi ng taong ito na nagpapahintulot sa mga paaralan na lumipat sa mga alternatibong delivery modes sa panahon ng extreme weather conditions, kabilang ang mga araw kung kailan nakaaapekto ang mataas na temperatura sa learning environment.

Ayon kay DepEd Undersecretary at spokesman Michael Poa, ginagamit ng DepEd ang mga aral na natutunan mula sa pandemya, tulad ng pagpapatupad ng blended learning, upang matugunan ang mga isyu sa basic education.

Sa totoo lang, hindi magandang ideya ito dahil batid natin na sa panahon ng mga kalamidad ay napakahirap ng sitwasyon ng ibang tao.

Unang-una na rito ang problema sa internet tuwing kasagsagan ng bagyo, maraming mga cable modem ang nada-down sa tuwing malakas ang ulan o hangin at isa ito sa malaking problema ng mga estudyante lalo na noong panahon ng pandemic.

Hindi rin natin alam ang sitwasyon ng mga estudyante sa kani-kanilang tahanan.

Pag-isipan sana uli ng DepEd ang ideyang ito bago ipatupad.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page