Onli in da ‘Pinas na sandamakmak ang mga smuggler at gambling lords
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | July 13, 2023
MGA GURO, WALA NANG DAGDAG-SAHOD KAY EX-P-DUTERTE, WALA RIN DAGDAG-SAHOD KAY DEPED SEC., VP SARA -- Inanunsyo ng Dept. of Education (DepEd) na wala raw aasahang dagdag-suweldo ngayong 2023 ang mga public school teachers sa bansa.
Saklap din ng sinapit ng mga guro sa mag-amang Duterte, kasi noong si Ex-P-Duterte pa ang presidente ng bansa ay walang naganap na dagdag-sahod sa mga titser, at ngayon si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio ang secretary ng DepEd, wala rin silang aasahang dagdag-suweldo, tsk!
◘◘◘
SA ‘PINAS, SANDAMAKMAK ANG MGA SMUGGLERS -- Bukod sa agri-smuggling operations nina "Leah Cruz," "Michael Yang," "David Bangayan," "Gerry at Paul Teves," "Manuel Tan, " "Andrew Chang," "Jun Diamante," "Lujene Ang," "Beverly Peres," "Lucio Lim" alyas "Aaron" at "Michael Ma," ay namamayagpag din sa Customs ang mga ismagler ng general merchandise, electronics, plastic resins, RTW’s na sina alyas "Lucio," "Boy Valenzuela," "James" "Big Mama," "William," "Cesar Tiyan," "Michael Dy," "John Sy," "Robert Uy," "Ruel Tolentino," "Blandino Tolentino," "Jun Manimtim," "Zeny Dayanghirang," "Jovy Castillo," "Jojo Agana," "Edwin Santos," "Lina Flores," "Jenny Chua," "Bombit," "Roland Balao," "Jenny Laurente," "Noel Aro," "Nilo Casas," "Doc Mendoza," "Raffy," "Girlie Apolonio," "Meg Enciso," "Connie Resureccion," "Jun Intsik," "Balajadia," "MD Laylo," "Vexim," "Exodus," "Sammy Lee," "Kua Jeorge," "Engr. Venus," "Manny Santos," "Taguba," " Dy," "M.Chang," "Ringgo," "B. Reyes" at "N. Bocaling".
Onli in da ‘Pinas lang ‘yan, na sandamakmak ang mga smuggler sa Customs, pwe!
◘◘◘
SOBRANG DAMI NG GAMBLING LORDS SA BATANGAS -- Sa Batangas ay patuloy daw namamayagpag ang mga color games at drop balls ni "Aling Tessie" at mga STL-bookies at lotteng nina "Virtucio," "Ineo" at "Indo" sa San Jose; "Nelson" at "Salud" sa San Juan; "Caraig" at "Chuidian" sa Nasugbu; "Austria" sa Rosario; "Jojo" at "Alex" at "Lito" sa Sto.Tomas; "Richard" sa Talisay; "JR" sa Balayan; "Peping" sa Calaca; "Morcilla" sa Malvar; "Inandan" at "Ilat" sa San Pascual; "Villanueva" sa Mabini; "Clint" sa Taysan; "Acebo" sa Ibaan; "Randy" sa Mataas na Kahoy; "Togs" at "Eming" sa Alitagtag at Cuenca; "Allan" at "Carling" sa Lipa City: "Biscocho," at "Lito" sa Tanauan City at may pa-jueteng din sa mga Barangay ng lungsod na ito sina alyas "Ocampo" (Bgy. Bagbag); "Kancio" at "Dama" (Brgy. Ulango); "Obet" at "Ed" sa Bgy. Ambulong; "Angel" (Bgy. Pantay) "Kanor" (Bgy. Luyos) at "Teryo" (Bgy. Banadero).
Ganyan karami ang illegal gambling sa jurisdiction nina PNP-Region 4-A Director, Gen. Carlito Gaces at Batangas PNP Director, Col. Reniero de Chavez, boom!
◘◘◘
DAPAT IPA-TOKHANG NINA GEN. GACES AT COL. DE CHAVEZ SI ‘BILLY JOE’ --Kaya raw dumami ang mga illegal gambling sa Batangas ay dahil sa basbas ng isang alyas “Billy Joe.”
Dapat ipa-tokhang nina Gen. Gaces at Col. De Chavez si “Billy Joe” kasi ito pala ang nagbigay pahintulot sa mga ilegalista na mangraket sa Batangas, period!





Comments