top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Onli in da ‘Pinas lang na ang palpak, pinapalakpakan pa tulad ni Frasco

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 9, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | July 9, 2023



PANG-UUNGGOY LANG NI EX-P-DUTERTE ANG SINABI NIYA NOON NA HATE DAW NIYA ANG MGA CORRUPT -- Ibinulgar ng Commission on Audit (COA) na 2,395 projects ng Dept. of Public Works and Highways (DPWH) sa iba’t ibang panig ng bansa ang na-delay at may mga hindi itinuloy sa kabila na pinondohan na ang mga ito ng nakaraang Duterte administration ng higit P96 billion noong 2019.


Ang mga proyektong ito, kabilang ang pagpapagawa ng mga school buildings at farm to market road, ay dapat tapos na noong 2021, pero sa inilabas ngang report ng COA, hindi natapos at ang iba ay hindi itinuloy ang mga proyekto.


Patunay ang isyung ‘yan na pang-uunggoy lang ni ex-P-Duterte sa mamamayan ang statement niya noong nasa poder pa siya na ‘hate daw niya” ang mga corrupt, boom!


◘◘◘


OMBUDSMAN DAPAT UMAKSYON, IPASUKA SA MGA BUWAYA ANG P96-B DPWH PROJECTS NA NA-DELAY SA PAGGAWA -- Napakalaking halaga ‘yang P96 billion, kaya’t hindi na dapat magpatumpik-tumpik pa ang Office of the Ombudsman. Dapat ay imbestigahan nila kung sinu-sino sa mga dating opisyal ng Duterte administration ang mga nagkamal sa mga proyektong ito ng DPWH na na-delay at hindi natuloy.


Dapat ipasuka ng Ombudsman sa mga buwaya sa nakaraang Duterte admin ang halagang ito, at dapat silang sampahan ng kaso, dakpin at ikulong, period!


◘◘◘


SEC. FRASCO, PUMALPAK NA NGA, PINALAKPAKAN PA -- Sa pagdating ni Tourism Sec. Christina Frasco sa kanyang tanggapan ay sinalubong siya ng palakpakan ng mga opisyal at kawani ng Dept. of Tourism (DOT) bilang pagpapakita ng suporta matapos makatikim ng kaliwa’t kanang batikos sa publiko kaugnay sa palpak na “Love the Philippines” slogan.


Onli in da ‘Pinas lang ‘yan, na ‘yung mga nakakagawa ng kapalpakan sa tungkulin, ay pinapalakpakan pa, boom!


◘◘◘


PALPAK AT BAD ANG KARAKTER ANG MGA GUSTONG MAKASAMA NI P-BBM SA KANYANG ADMINISTRASYON -- Kahit nakagawa ng kapalpakan ay sinabi ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na wala raw siyang planong tanggalin sa puwesto si Sec. Frasco kasi malaki raw ang tiwala niya rito tulad din ng pagtitiwala niya sa bastos at na-disbar na lawyer na si Larry Gadon na ginawa niyang Presidential Adviser on Poverty Alleviation (PAPA).


Ganyan ang uri ng mga taong gustong makasama ni P-BBM sa kanyang gobyerno, mga palpak at bad ang karakter, pwe!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page