ONE: no-surrender salvo na fan-less ang bakbakan sa Bangkok
- BULGAR

- Jul 6, 2020
- 2 min read
ni Gerard Arce - @Sports | July 6, 2020

Inanunsiyo ni ONE Championship chairman Chatri Sityodtong na muli nang magbabalik-aksyon ang Asian-based mixed martial arts promotion matapos ang limang buwang pagkakabakante dulot ng pananalasa ng coronavirus disease pandemic.
Itatampok ng ONE: No Surrender bilang paunang salvo nila bilang live broadcast telecast sa isang fan-less na bakbakan na gaganapin sa Hulyo 31 sa world-famous na Rajadamnern Satdium sa Bangkok, Thailand.
“ONE Championship is BACK,” saad ni Sityodtong sa kanyang social media account. “I would like to express my heartfelt gratitude to our superstar team at ONE Championship for everything. The world is suffering from the worst global crisis in a hundred years. Most national borders remain closed across Asia. With zero visibility and weekly COVID-19 policy changes in every country, it has been impossible to plan anything. Thank you to the greatest team in the world for your heart and hustle,” dagdag nito.
Idedepensa ni ONE Flyweight Muay Thai champion Rodtang “The Iron Man” Jitmuangnon ang kanyang titulo laban sa mahigpit na katunggali at kababayang si Petchdam “The Baby Shark” Petchyindee Academy, habang masusubukan naman sa unang pagkakataon ang pagdepensa ni Petchmorakot Petchyindee Academy sa kanyang Muay Thai Featherweght title laban kay “The Boxing Computer” Yodsanklai IWE Fairtex sa co-main event.
Magtatapat din para sa Kickboxing superfight sina “The Killer Kid” Sittichai Sitsongpeenong at Superbon para sa three-round fight.
Ito ang ikatlong paghaharap nina Rodtang at Petchdam para sa parehong dibisyon kung saan ang number 5-ranked na si Petchdam ay ang tinalo si Rodtang para sa unanimous decision noong Mayo 2017; ngunit nakabawi ito sa isang rematch noong Pebrero 2018 sa isa ring unanimous decision victory. Parehong pumasok ang dalawa sa promosyon ng ONE at nagwagi ng tig-isang titulo sa ONE Super Series gold medal.
Napagwagian ni Petchdam ang inagurasyon ng Flyweight kickboxing Mayo 10, 2019 laban kay Elias Mahmoudi ng France bunsod ng technical decision sa ONE: Warriors of Light; ngunit agad namang nawala sa kanya ito laban kay Ilias Ennahachi ng The Netherlands dahil sa left hook punch sa 1:00 ng title match sa ONE: Dreams of Gold.
Ang ikalawang Infinity event noong Mayo 29 ay itatampok sana ang mga fighters na sina Eddie Alvarez, Christian Lee, Brandon Vera, at Arjan Bhullar. Noong Abril ay inanunsyo ni Sityodtong ang pansamantalang pagpapatigil ng mga events hanggang katapusan ng Mayo.





Comments