Oks lang 'yan, besh!... Mga bagay na natututunan sa bawat kabiguan
- BULGAR

- Dec 11, 2020
- 2 min read
ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | December 11, 2020

Kahit sino ay nadidismaya o nabibigo. Sa lahat ng aspeto ng buhay, ang pagkadismaya ay dumarating. Pero ang matutunan na panghawakan ang mga ito nang maayos ang makapagpapabago sa kalidad ng iyong kaligayahan, kalusugan at relasyon.
1. Gaano ka man mag-react sa pagkabigo ay hindi pa rin nakasisiya kapag dismayado ka. Pero dahil tayong mga tao ay puno ng pag-asa at inaasahan, alam nating dumarating talaga ang mga problema o kung minsan mas madalas sa hindi natin inaasahan.
2. At ngayong may pagpipilian ka, nariyan ka na sa estado ng kalungkutan, iniisip mo na kaagad na, “bakit ako” at naghahanap ka ng bagay na magpapaayos sa lahat ng ito. Pero ang pagkadismaya ay aktuwal na isang oportunidad.
3. Magagawa mong matanong ang sarili kung may aral ka bang matututunan upang matiyak na magiging maayos na ang lahat sa susunod. Gustuhin man o hindi, lahat tayo ay natututo sa trial and error at kaya nating iwaksi ang pagkakamali at tingnan ang mas positibong aral anuman ang hindi umuubra.
4. Kung minsan ang kabiguan o ang pagkadismaya ay oportunidad din para magkaroon ng heart-to-heart discussion sa ibang tao. Ang pagtatapat at pagpapaluwag ng kalooban ay humahantong sa mas mainam na relasyon sa mga sumusunod na panahon.
5. Ang pagkadismaya naman din ay isang dakilang oportunidad para magawa ang pagpapatawad, sa sarili maging sa iba man.
6. Sa pagiging dismayado, ito na rin ang iyong tsansa na maging malikhain; mapigura kung anong bagay ang magpapaayos sa iyo. Kung minsan ang isang napanis nang kanin ay puwede pang ibilad at gawing pop rice.
7. Sa estado rin ng pagiging dismayado, ito ang nagbibigay sa iyo ng oportunidad na maging matalino. Kung hindi ito uubra ngayon, at least, hindi mo kailangang aksayahin ang oras next time. Sa ibang salita, hindi mo maaring alam kung ano ang ubra para sa iyo, pero alam mo ang isang bagay na hindi.
8. At dahil dismayado, dito mo maikukumpara ang iyong damdamin. Kung ano ba ang kahihinatnan mo kung ‘feeling down’ ka at kapag nasa magandang mood ka.








Comments