top of page
TEKA NGA - MANONG CHAVIT, UMAMING NAUUBOS ANG DATUNG SA MGA BEAUTY QUEENS-FB Luis Chavit S

Oks lang daw ma-in love… HEART: ‘WAG KANG TATANGA-TANGA DAHIL SA PAG-IBIG

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | September 29, 2026



TALKIES - HEART ‘WAG KANG TATANGA-TANGA DAHIL SA PAG-IBIG-IG _iamhearte

Photo: IG _iamhearte



Naging karangalan para sa aktor at co-host ni Heart Evangelista sa GMA Network game show na The People Have Spoken na si Sean Lucas na makasama ang dating StarStruck finalists na sina Yasmien Kurdi at Rainier Castillo.


Nang ipakilala nina Sean at Heart ang kanilang mga guests, nakakatuwang ibinahagi ng una na anim na buwang gulang pa lamang siya nang ilunsad ang StarStruck 23 years ago.


Ani Sean, “Isa pong malaking karangalan na makasama ngayon sina Ate Yasmien and Kuya Rainier. Kasi po, ako ay 6 months old pa lang nu’ng i-launch ang StarStruck 23 years ago.”

Sabay namang natawa sina Yasmien at Rainier at sinabing “Uy, grabe!”


Sa nasabing game show, natanong si Yasmien kung maaari na bang manligaw ang babae sa lalaki sa panahon ngayon.


Ang tanong, “Sa panahon ngayon, puwede na bang manligaw ang babae sa lalaki?”

Ani Yasmien, “Lalaki pa rin ang dapat na manligaw. Kasi sa culture natin bilang Pilipino, dapat panindigan pa rin natin ‘yung ganu’ng kultura. Panatilihin pa rin natin na ‘yung kagawian ng Filipino, ‘yung dalagang Filipina.”


Natanong din si Yasmien kung okay lang bang mangutang ang lalaki para matupad ang bonggang dream wedding ng kanyang minamahal.


Tanong, “Okay lang bang mangutang ang lalaki para pagbigyan ang dream wedding ng pinakamamahal n’yang babae?”


Sagot ni Yasmien, “Honestly, sa panahon ngayon, ‘di praktikal na mangutang pa para lang ipakita o i-treat ang ibang tao kasi kayo naman ang mangangailangan ng perang ‘yan eventually. Ipunin n’yo na lang ‘yan for future use. Kaysa naman para lang sa isang araw, wawaldasin n’yo ‘yang pera na ‘yan.”


Samantala, nang si Heart naman ang tanungin ni Sean tungkol sa dream wedding, simple ngunit direkta ang naging sagot ng TV host.


Ani Heart, “It’s okay to be in love, but also be smart. ‘Wag kang tatanga-tanga dahil sa pag-ibig.”


Well, big tumpak ka r’yan, Heart. Iwasang maging syonga sa pag-ibig. Pak, ganern!





MARIAN, PROUD NA PASOK SA MOST INFLUENTIAL CELEBRITY OF THE YEAR



Proud na ibinahagi ng aktres na si Marian Rivera sa kanyang social media ang larawan niya na hawak ang trophy matapos siyang parangalan bilang Most Influential Celebrity of the Year sa 11th EdukCircle Awards.


Sa kanyang social media post, ipinahayag ni Marian ang kanyang pasasalamat at pagiging grateful sa natanggap na pagkilala.


“Truly grateful and humbled to be recognized as one of The EdukCircle’s Most Influential Celebrity of the Year.


“To be given a platform is already a blessing, but to know that somehow I’m able to inspire and make a positive difference means so much more,” ani Marian.

Isang malaking congratulations, beautiful Marian.





Nakakuha ng nominasyon ang 2025 iWant original serye na Love at First Spike sa International Emmy Awards 2026 bilang kaisa-isang kalahok mula sa Pilipinas sa taunang global media awards.


Nominado ang programa sa Kids: Live Action category ng patimpalak, kasabay ang mga entry mula Chile, Netherlands, at UK (United Kingdom). Gaganapin ang awards gala sa New York ngayong Nobyembre 23 (Lunes, US time).


Sa direksiyon ni Ivan Andrew Payawal, pinagbidahan ito nina Emilio Daez, Reign Parani, at Sean Tristan. 


Sumentro ang kuwento nito sa isang dating basketball team captain na napasali sa boys volleyball team ng kanilang paaralan para maisalba ang kanyang scholarship.


Kinilala ang serye para sa mga tema nito ng pagtanggap, pagbali sa gender stereotypes sa LGBTQIA+ community, at pagsasalin sa mga pinagdaraanan ng student athletes.

Mapapanood nang libre ang lahat ng episodes ng Love at First Spike sa iWant.

‘Yun lang, and I thank you.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page