top of page

Oil tanker, na-hijack

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | May 4, 2026



boat chasing, pirates - File circulated


Isang oil tanker ang hinijack ng mga pirata malapit sa baybayin ng Yemen.

Kinumpirma rin na ang tanker na MT Eureka ay nasakop ng mga armadong lalaki sa Gulf of Aden, malapit sa isang pantalan.


Ang mga pirata ay umano’y nagmula sa isang liblib na baybaying lugar sa Puntland, isang semi-autonomous na rehiyon ng Somalia.


Ito na ang ikalawang insidente ng hijacking ng oil tanker sa loob lamang ng 10 araw, kasunod ng naunang insidente noong Abril 22 kung saan isang barko na may kargang 18,500 bariles ng langis ang nasakop din.


Ang MT Eureka, na naglalayag sa ilalim ng watawat ng bansang Togo, ay nakuha ng mga armado bandang alas-5 ng umaga (lokal na oras). Sa kasalukuyan, ito ay nasa Gulf of Aden sa pagitan ng Yemen at Somalia at inaasahang dadaan o hihinto sa katubigan ng Somalia.


Sa hiwalay na insidente, may ulat din na isang cargo ship ang nilapitan ng mga armadong tao malapit sa Al-Mukala, Yemen. Ang mga ito ay pinaniniwalaang nagmula rin sa baybaying bahagi ng Somalia.





5-anyos nireyp, pinatay ng 47-anyos



Kinasuhan ng kasong pagpatay at 2-counts of sexual abuse ang isang lalaki kaugnay ng pagkamatay ng isang 5-anyos na batang babae sa Northern Territory ng Australia.


Natagpuan ang bangkay ng bata—na tinutukoy lamang bilang Kumanjayi Little Baby bilang paggalang sa kanilang kultura—matapos ang ilang araw na paghahanap ng pulisya. Ang suspek na si Jefferson Lewis, 47- anyos, ay inaasahang ihaharap sa korte sa Darwin.


Kaugnay nito, limang katao ang naaresto dahil sa marahas na kaguluhan sa Alice Springs. Bago arestuhin, umano’y sinalakay ang suspek, at kalaunan ay inilipat sa Darwin matapos ang gulo sa labas ng ospital kung saan siya ginagamot.


Sa mga kumalat na video, makikita ang paghahagis ng mga bagay, paggamit ng tear gas ng pulisya, at panununog ng sasakyan. Mayroon ding mga ulat ng pagnanakaw sa isang gasolinahan at supermarket.


Tinatayang higit ₱7,200,000 ang halaga ng pinsala at mga ninakaw.

Nawala ang bata noong Sabado ng gabi matapos patulugin sa isang Aboriginal community malapit sa Alice Springs.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page