top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Oil price hike non-stop, tsuper bigyan ng raket

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 9, 2023
  • 1 min read

@Editorial | August 9, 2023


Grabe ang itinaas ng presyo sa produktong petrolyo.


Kaugnay nito, nakatakda umanong ilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P3 bilyong fuel subsidy para sa mga public utility vehicles (PUVs) sa susunod na linggo.


Napag-alaman na nasa P10,000 ang maibibigay sa bawat modern jeepney at UV express unit habang P6,500 naman para sa mga drayber ng traditional jeepneys.

Ang nasabing subsidy ay hindi ibibigay sa pamamagitan ng pera kundi sa pamamagitan ng e-wallets.

Ang mga tricycle drivers naman ay makatatanggap ng tig-P1,000 na ipapamahagi ng mga local government unit kung saan sila nakarehistro.


Masasabing malaking tulong ang fuel subsidy mula sa gobyerno, kahit paano, ilang biyahe rin ang mararating at may kitang maiuuwi sa pamilya.


Gayunman, mas mainam siguro na pakinggan ang hirit ng mga drayber na bigyan din sila ng sideline tuwing nakararanas ng bigtime oil price hike o raket na puwedeng isabay sa pamamasada.


Magkaroon sana ng programa o proyekto na puwede silang makibahagi bilang dagdag-income. Puwedeng sa delivery, turismo, at iba pang gawain.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page