Oil price hike ngayong holy week, dagdag-penitensya sa mamamayan
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | April 3, 2023
NOONG KAMPANYA, PRAMIS NI ROBIN PADILLA NA MAGLILINGKOD SIYA SA BAYAN, PERO NGAYON, HANDANG MAGPAKULONG PARA SA KAPARTIDO—Kapag nagpalabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban kay PDP-Laban, Sen. Ronald Dela Rosa kaugnay sa kasong crimes against humanity na may kinalaman sa bloody drug war sa Pilipinas, nakahanda raw si Sen. Robin Padilla na magpakulong at samahan sa ICC jail ang kanyang kapartidong si Sen. ‘Bato’.
Aba, teka, ‘di ba, sa kampanya ni Sen. Padilla noong 2022 national election, ang pramis niya ay maglilingkod siya sa sambayanan, eh, bakit ngayon, parang gusto niyang ipakita na ang pagiging senador niya ay para lang sa mga kakampi niya sa partido? Tsk!
◘◘◘
PRES. QUEZON: MY LOYALTY TO MY PARTY ENDS, WHERE MY LOYALTY TO MY COUNTRY BEGINS; ANG KAY SEN. PADILLA: MY LOYALTY TO MY COUNTRY ENDS, WHEN MY LOYALTY TO MY PARTYMATE BEGINS—Tila hindi nabasa ni Sen. Padilla sa mga libro ng kasaysayan ang pahayag ni dating Pres. Manuel Quezon noon na, “My loyalty to my party ends where my loyalty to my country begins.”
Kasi sa tema ng salita ng bagitong Senador, parang ganito ang gusto niyang ipamukha sa mamamayan, “My loyalty to my country ends when my loyalty to my partymate begins.” Boom!
◘◘◘
DAGDAG-PENITENSYA SA MAMAMAYAN ANG OIL PRICE HIKE NGAYONG HOLY WEEK—Ngayong Holy Week, magtataas na naman daw ang presyo ng mga produktong petrolyo, kung saan ang gasolina ay P1.20 hangang P1.40 kada litro ang itataas, at ang diesel naman ay P.30 hanggang P.50 per liter.
Ang taas-presyo ng mga produktong petrolyo ang masasabing dagdag-penitensya ng gobyerno sa mamamayan. Tsk!
◘◘◘
ILLEGAL GAMBLING SA MALABON AT NAVOTAS CITY, CLOSE-OPEN—Dati ay na-stop na ang mga illegal gambling sa Malabon at Navotas City. Pero ngayon ay nagkalat na naman daw ang mga raket na sakla, lotteng, EZ-2 at bookies sa dalawang lungsod na ito.
Ganyan ang illegal gambling sa jurisdiction nina Malabon City Mayora Jeannie Sandoval at Navotas City Mayor Toby Tiangco, close-open. Buset!





Comments