top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Kaya dedma ang mga anak kahit Pasko... BAKA MABIGAT ANG KASALANAN NI DENNIS- OGIE

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 29, 2023
1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 29, 2023




Nagdaan ang holiday season at ilan nga sa naging usapin ng madlang pipol ay ang nangyaring 'di pagpansin ng mga anak ni Dennis Padilla kay Marjorie Barretto sa kanyang mga pagbati sa comment section sa posts ng mga ito sa Instagram.


Hindi nga naiwasang magkomento ni Ogie Diaz at ang sey nga niya ay maaaring mabigat daw talaga ang naging dahilan ng mga anak ni Dennis upang 'di siya pansinin kahit sa selebrasyon ng Kapaskuhan.


Napag-usapan nga nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update na medyo matagal na ring bumabati si Dennis kina Julia, Claudia at Leon pati na rin sa anak ng dating asawa nito kay Kier Legaspi na si Dani ngunit dedma lang ang mga ito.


Sey nga ni Ogie, "Grabe sigurong bigat ng nagawang kasalanan ni Dennis sa mga bata para to deserve this treatment na parang kahit ano pang gawing bati, kahit ano pang gawing pagpuri ni Dennis sa kanyang mga anak o sa ginagawa ng kanyang mga anak thru his social media accounts, wala pa ring response itong mga Barretto kids, 'no?"


Nag-suggest naman si Mama Loi na baka dapat na ibahin na ni Dennis ang atake sa pamamaraan niya ng pagpaparamdam sa kanyang mga anak na agad namang sinagot ni Ogie.


Baka raw 'yun na lang ang paraan ng aktor upang mailabas ang dapat nitong ipaalam sa kanyang mga anak.


Wala pa namang sey sina Julia, Claudia at Leon o maging si Marjorie sa komentong ito ni Ogie.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page