Obyus na super in love raw, Bea… JULIA, 'DI NA MAKATIIS, LANTARAN NA SA KANILA NI GERALD
- BULGAR

- Dec 4, 2020
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 4, 2020

Inimbitahan ni Julia Barretto si Gerald Anderson sa ipinost niyang movie na Between Maybes na unang project na pinagsamahan nila. In-accept naman ng aktor ang imbitasyon ni Julia.
Ang nabanggit na pelikula ang dahilan kaya naging malapit sa isa’t isa ang dalawa, hanggang sa humantong na nga sa panggo-ghosting diumano ni Gerald sa girlfriend that time na si Bea Alonzo.
Sa ngayon, maraming netizens na ang nagsasabing may relasyon na talaga sina Gerald at Julia. ‘Yun nga lang, wala pang umaamin isa man sa kanila.
Sa invitation ni Julia kay Gerald, heto naman ang mga komento ng mga netizens…
“Part po ng script 'yung 'Tara,' kung hindi n'yo pa napapanood, pati sa preview, kasama 'yan.”
Ipapalabas na kasi ang Between Maybes sa Netflix kaya gusto lang daw ni Julia na ikalat ang kanilang movie ni Gerald para naman mapanood ng mga 'di nakapanood nito sa sinehan.
May nagkomento naman ng ganito…“'Di na talaga mapakali si ate, 'di na niya kayang itago ang lahat.”
“Kapit na kapit kay Gerald. Wala kasing ganap. Hahahahaha!”
“Halata naman na si Julia ang in love na in love.”
“I think si Julia ang nakatadhana kay Gerald Anderson. Mark my words.”
“'Yan din feel ko, baks. Kahit nega ang image nila. Hahahaha!”
Gumagawa lang naman daw ng isyu si Julia para mapag-usapan.
“Tapos, 'pag na-issue na naman, siya pa ang galit, eh, siya rin naman gumagawa ng issue. Tse!”
“Pakiramdam ko, sila na talaga. At in love si Julia, obviously. Hahahaha!”
Naku, Julia, bakit ba kasi hindi pa aminin kung totoo ngang kayo na ni Gerald? Nothing to worry about na. Kung totoo ngang may relasyon na kayo ni Gerald, then so be it!





Comments