Obyus daw na planado lahat… SIGAW NG NETIZENS: HOLDING HANDS NINA JAMES AT ISSA, GIMIK LANG
ni MA. Consuelo Nolasco @Special Article | April 27, 2023

Spotted na magkasama at magka-holding hands ang magdyowang sina James Reid at Issa Pressman na namamasyal sa Paragon Mall sa Singapore kahapon, April 26.
Agad na pinuna ng mga netizens ang mga larawan ng magdyowa na lumabas sa social media.
Hindi raw nila ramdam na totoo ang relasyon ng dalawa. Feel pa nga ng iba na for "publicity" lang ang ginagawa nina James at Issa para patuloy silang pag-usapan ng publiko.
Samantala, ang ibang netizens ay nagtaka at nagduda kung bakit sa tuwing may mga lumalabas na larawan ang dalawa sa socmed, tila mukhang "staged" o planado ang mga ito.
Sey ng isang netizen na pumuna sa mga larawan nina James at Issa na kumalat, "Sa wakas, napasin na rin si Issa now that he's with James."
"'Yun naman siguro ang purpose nila," ang komento naman ng isang netizen tungkol sa tila "publicity stunt" ng dalawa.
Sa mga larawang naglabasan kasi, mapapansin na parang expected na nina James at Issa na may kukuha sa kanila ng mga litrato.
Ang pagpuna naman ng isang commenter sa mga larawan nina James at Issa na kumalat sa social media, "Bakit 'yung mga paparazzi photos nila, parang kasama lang nila ang kumuha?"
"'Di ba?! 'Yan ang style ng Careless team para sabihing sikat 'yung dalawa kahit abroad," pagsang-ayon naman ng isa pa.
Ang Careless ay ang record label na pagmamay-ari ni James kung saan talent din si Issa.
"Tigilan n'yo kami! Walang mangangahas na sundan kayo abroad para picture-an kayo.
Malamang, kasama n'yo rin 'yang kumuha ng mga "candid" photos ninyo. Hahaha! Enjoy na enjoy si Issa. Namnamin mo na ang spotlight! 'Ika nga, enjoy it while it lasts," ang naging mataray na komento naman ng isang netizen.
Tila sinasabi nito na hindi naman na ganu'n kasikat si James, lalo na si Issa, para sundan ng mga tao sa ibang bansa at kunan ng litrato.
Samantala, ito naman ang hanash ng isa pang netizen na tila naiirita sa ginagawang pagpapapansin ng magdyowang James at Issa para lang pag-usapan ng publiko, "I'm not buying this. Obvious na obvious na staged. Para ngang nakatingin pa si Issa sa camera and sa 2nd picture, parang ine-expect na nga niya na kukuhanan sila ng mga pictures ni James.
Desperate na talaga sila."
Well... ano sa tingin ninyo?!
Wala naman sigurong masama kung "staged" o planado man nina James at Issa ang mga larawang kumalat sa social media, 'di ba?! Nasa madlang pipol naman nga 'yun kung kakagatin o bibilhin nila, 'ika nga. After all, hindi naman pinipilit nina James at Issa na maniwala ang mga taong may relasyon sila.
Kung sakaling parte man ito ng gimik ng Careless team, eh, at least, may ginagawa sila para pag-usapan.
'Ika nga, positive or negative publicity is still a publicity!





Comments