Obyus daw ang baby bump, Vincent… BEA, PINAGPIPIYESTAHANG BUNTIS
- BULGAR
- 4 hours ago
- 4 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 16, 2025

Photo: FB Bea Alonzo
Iniintriga ngayong buntis si Bea Alonzo dahil sa kumalat na video clip at mga photos na kuha sa advanced birthday surprise sa kanya ng kanyang team sa tulong ng boyfriend niyang si Mr. Vincent Co ng Puregold.
Bukas, Oct. 17 pa ang exact birthday ni Bea na 38 yrs. old na pala.
Sa naturang video clip at mga photos, kapansin-pansin sa mukha ni Bea na mas nagkalaman siya ngayon at may konting umbok din ang tiyan (baby bump), kaya pinagdududahan kung buntis na ba ang aktres.
Pinansin din ng mga netizens ang madalas na pagtatakip ni Bea sa kanyang tummy, rason para lalo silang magduda.
Well, kung true man na nasa interesting stage ngayon ang aktres, for sure, wala nang magne-nega sa kanya (unless may mga mema at bitter lang talaga) dahil mas marami ang magiging happy na finally, magiging mom na siya at baka nga malapit na rin talaga ang kasal nila ni Vincent Co.
So, wait natin ang announcement ni Bea. Pero habang wala pang pag-amin, “Happy Birthday!” muna ang sasabihin namin sa kanya at saka na ang “Congrats!”
NAPAKA-WORKAHOLIC ni Jake Cuenca dahil bukod sa Batang Quiapo, everyday na rin siyang mapapanood sa pagsisimula sa October 20 ng bagong drama thriller sa Kapamilya Channel, ang What Lies Beneath.
Bukod diyan, meron pa siyang Delivery Rider film na mapapanood sa Netflix.
Pero sabi nga ni Jake, time management lang at kinakaya naman niya kahit 3 ang proyektong sabay-sabay niyang ginagawa.
Aminado rin siyang malaking tulong sa kanya ang mabigat na pinagdaanan recently sa breakup nila ni Chie Filomeno.
Ani Jake, bilang artist, imbes ma-depressed o ma-down, mas ginagamit niya ang kanyang heartbreaks para mas gumaling sa pag-arte, kaya no wonder na mas palalim nang palalim at mas makabuluhan ang acting na ibinibigay niya habang siya’y nagkakaedad.
Tinanong nga namin si Jake sa Q&A ng What Lies Beneath mediacon kung naging biktima na ba siya ng “lies” ng isang tao, na isa sa mga iikutang kuwento ng kanilang bagong serye kung saan maaakusahan siya sa isang krimeng ‘di naman niya ginawa, dahilan para makulong siya.
Pag-amin ni Jake, hindi raw kasi siya ang tipo ng taong huhulihin pa ang isang taong nagsisinungaling sa kanya. Hindi na raw niya hinihintay na umabot sa ganu’ng punto, lumalayo na siya bago pa mabiktima.
At sa tanong namin kung pinatawad ba niya ang taong nagsinungaling sa kanya, sagot nito, “I think everyone deserves forgiveness.”
Pero tulad ng iba, ang paniwala rin pala ni Jake ay “It’s easy to forgive but not to forget.”
Although, siya rin naman daw ang tipo ng tao na hindi niya hinahayaang maging ‘excess baggage’ sa buhay niya ang galit dahil sa ginawang masama sa kanya ng isang tao.
Well, kaya naman tingnan n’yo ngayon si Jake, though nasa healing period pa rin daw siya sa separation nila ni Chie, hindi niya hinahayaang makaapekto ito lalo na sa kanyang trabaho bilang artista.
Masaya ngang ibinida sa amin ni Jake ang mga hirap niya sa What Lies Beneath na excited na rin siyang mapanood ng lahat sa Oct. 20 sa Kapamilya Online Live at may advanced showing sa Netflix sa Oct. 17, habang Oct. 18 naman sa IWant.
SA pangunguna ng kilalang teacher-broadcaster-businessman na si Dr. Carl Balita, nabuo ang fundraising concert na Padayon Pilipinas na layuning matulungan hindi lang ang mga biktima ng lindol sa Cebu kundi maging sa Davao at Baguio City.
Nakakatuwa nga ang big heart ng mga local singers-performers nating boluntaryong nag-commit ng kanilang serbisyo para sa Padayon Pilipinas concert na gaganapin sa October 28, at 6 PM sa Fr. Peter Yang SVD Hall ng Saint Jude Catholic School sa Manila.
Ilan sa mga agad-agad ay sumagot nang walang pagdadalawang-isip para makatulong sina Ice Seguerra, Dulce, Frenchie Dy, Isay Alvarez, Richard Reynoso, Chad Borja, Aicelle Santos, Angeline Quinto, Bayang Barrios, Ebe Dancel, Jaya, Kakai Bautista, Poppert
Bernadas, Robert Seña, The Company at si Vehnee Saturno.
At bukod sa upcoming concert, nakabuo rin ng music video na Padayon, Pilipinas din ang title at kasama rin ang mga naturang singers sa mga kumanta, na kung mapapanood mo, talaga namang tatagos sa puso mo ang lyrics at melody ng song na produced ng Dr. Carl Balita Productions at viral na nga ngayon.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagtulung-tulong ang mga naturang singers para sa fundraising concert. Nu’ng 2020, nabuo rin ang Tulong Taal nang sumabog ang Taal Volcano at nakapangalap ang grupo nina Dr. Carl ng P1.4 million na itinulong nila sa mga biktima ng pagsabog ng bulkan.
Tinanong nga namin ang mga present na performers sa ginanap na mediacon para sa Padayon Pilipinas kung ano ang feeling na sila ang nag-i-initiate ng pagtulong na dapat, ang ating gobyerno ang gumagawa.
Si Ms. Isay ang agad na sumagot na ‘wag na raw nating asahan ang tulong ng gobyerno at bilang mamamayang Pilipino na nagmamalasakit sa bayan, gusto nilang gawin ang kanilang part na makapagpasaya ng mga tao mula sa kanilang talento sa pagkanta at makatulong din sa mga biktima ng lindol.
Well, sana ay mas marami pang singers natin ang magboluntaryong sumali para magkaroon ng part 2 ang Padayon Pilipinas at mas maraming ma-raise na pondo para sa mga biktima ng lindol.