Obiena finalist na sa World Athletics C'Ships
- BULGAR
- Aug 25, 2023
- 1 min read
ni VA @Sports | August 25, 2023

Malaki ang tsansa ni Filipino pole vaulter EJ Obiena na makapagtala ng back-to-back podium finishes sa World Athletics Championship's pagkaraan nyang umusad sa finals ng men’s pole vault noong Miyerkules sa Budapest, Hungary.
Kasamang nag-qualify ni Obiena sa medal round sina reigning world at Olympics champion Armand Duplantis ng Sweden at Chris Nilsen ng US kaya't naitakda ang matinding labanan ng world's top 3 pole vaulters.
Ang unang Filipino na nagkamit ng medalya sa World championship na ginanap sa Eugene, Oregon, USA noong nakaraang taon, natalon ni Obiena ang baras na itinaas sa 5.75 meters upang tumabla sa top spot ng qualifying kasama nina Duplantis, Nilsen at Kurtis Marschall ng Australia.

Dalawang beses siyang tumalon, at nalampasan ang 5.55m at 5.75m sa isang subok lamang bago nakapasok ang 13 pole vaulters bilang finalists.
Kasama nilang umusad ng finals na gaganapin bukas-Sabado (Agosto 26 sina Thibaut Collet ng France, Ersu Sasma ng Turkey, Ben Broeders ng Belgium, Claudio Michel Stecchi ng Italy, Yao Jie at Huang Bokai ng China, Zach McWhorter ng US at sina Piotr Liserk at Robert Sobera ng Poland.








Comments