Nursing graduate na gustong mag-abroad, matutuloy; first bf, makakatuluyan din
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | November 19, 2021

KATANUNGAN
Nakatapos ako ng kursong nursing at pasado rin ako sa board exam. Ngayong medyo nawawala na ang pandemya ay nag-aayos ako ng mga papeles para makapag-abroad sa Middle East. Gusto kong malaman kung matutuloy ba ako at magkakaroon ba ako ng magandang karanasan doon?
Kung hindi kalabisan, itatanong ko na rin kung kami na ba ng first boyfriend ko ang magkakatuluyan? Siya ay isang Capricorn.
KASAGUTAN
May malinaw, malawak at maaliwalas na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong karanasan, na madali namang kinumpirma ng birth date mong 14. Tulad ng palagi nating sinasabi, karaniwan na sa mga Taong Singko ang nakapag-a-abroad at nagkakaroon ng mabunga at magandang karanasan sa ibayong-dagat.
Samantala, ang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad ay nagsasabi namang posibleng ang kasalukuyan mo nang boyfriend ang iyong makakatuluyan, higit lalo kung siya ang first long engagement mo at sa loob ng mahabang panahon ninyong pagiging mag-on ay masasabing nakaranas naman kayo ng isang quality at maligaya talagang relasyon. Kung ganu’n, long engagement na ring matatawag ang kasalukuyan ninyong relasyon at nagkataong siya ay isang Capricorn, walang pasubali, siya na ang lalaking itinakda sa iyo ng kapalaran na nakaguhit sa kaliwa at kanan mong palad (1-M arrow b.).
DAPAT GAWIN
Elvie, ayon sa iyong mga datos, tiyak ang magaganap, hindi matatapos ang taong ito ng 2021, pinakamatagal na sa first quarter ng 2022, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa na itatala sa iyong kapalaran.




Comments