top of page

Nu’ng araw na pinatay ang governor.. 5 police bodyguards ni Degamo, absent

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 13, 2023
  • 2 min read

ni Mylene Alfonso | March 13, 2023




Hindi pumasok sa trabaho ang limang police escorts noong patayin si Gov. Roel Degamo.


Ito ang impormasyon na nakarating kay House Speaker Martin Romualdez, kaya ipatatawag niya ang mga ito sa Kongreso.


Base sa inisyal na report na natanggap ni Romualdez, hindi pumasok ang limang police bodyguards na nakatalaga kay Degamo noong araw na pinaslang ang opisyal.


“Mga security sila ng opisyal tapos hindi sila papasok gayong alam nila na may banta sa buhay ni Gob. Degamo dahil sa away pulitika sa lugar,” anang Speaker.


“Alam na alam ng mga gunman na hindi papasok ang mga security escort ni Gob. Degamo kung kaya’t madali nilang napasok ang bahay ni Gob at nasagawa ang karumal-dumal na krimen,” dagdag nito.


Binigyan umano ng anim na police bodyguard si Degamo matapos mag-report ito kay Department of the Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos hinggil sa mga death threats na natatanggap niya.


“Dapat ang tanong sa mga pulis bodyguard na ito kung magkano ang dahilan at hindi sila pumasok sa araw ng masaker?” dagdag pa ni Romualdez.


Ang pagpatay aniya kay Degamo ay kahalintulad ng pagpatay kay dating AKO Bicol Congressman Rodel Batocabe noong 2019.


Tumatakbong alkalde ng Daraga, Albay si Batocabe at may mga banta sa kanyang buhay mula umano sa incumbent mayor na si Carlwyn Baldo.


No show din ang mga police escort ni Batocabe sa araw na siya ay paslangin.


Dahil dito, muling babalikan ng Kongreso ang kaso ng pagpatay sa dati nilang kasamahan na si Batocabe, in aid of legislation, at para hindi na maulit pa ang ganitong mga kaso.


“And if we find out in this congressional inquiry na may tumanggap sa PNP ng areglo para magbulag-bulagan at hindi papasukin ang mga escort ni Degamo, we will recommend the filing of charges against these officials kahit sino pa sila,” ani Romualdez.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page