top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Nu'ng 2020 pa... RAFAEL ROSELL AT MISIS, IKINASAL NA WALANG BISITA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 28, 2024
1 min read

ni Lucille Galon @Entertainment News | June 28, 2024



News

Ibinulgar na ng aktor na si Rafael Rosell na siya ay kasal na nu’ng 2020 pa. Walang nakakaalam na ikinasal na siya sa long-time girlfriend niyang si Valerie Chia sa isang civil ceremony, na ginanap sa tahanan nila sa New Manila, Quezon City nu’ng April 20, 2020.


Sey ni Rafael, “Dalawa lang kami. We’re happy, para kaming two-income couple na ini-enjoy lahat.” Naganap daw ito nu’ng kasagsagan ng Corona Virus Pandemic. Favorite raw kasi nila ng kayang asawa ang number na 20. ‘Yun nga lang, inabutan ng pandemic kaya walang bisita.


Plano rin daw nila na magpakasal uli na may pa-party para sa family and friends. Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, Hunyo 27, 2024,sinabi ni Rafael na may plano silang magka-baby.


“Maybe in two years,” ani Rafael. Ini-enjoy pa raw nila ang buhay mag-asawa na walang anak. Well, ang galing na walang nakaalam na kasal na ang aktor, sa dami ng Marites ay walang nagwagi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page