NU Bulldogs at DLSU Eagles mababangis vs. ADU at UE
- BULGAR
- Oct 22, 2023
- 1 min read
ni Anthony E. Servinio @Sports | October 22, 2023

Mga laro ngayong Linggo – MOA
1:00 PM FEU vs. UST
4:00 PM Ateneo vs. UP
Tinakasan ng National University ang huling hirit ng Adamson University, 69-66, sa 86th UAAP Men’s Basketball Tournament Sabado sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion. Bumalik din sa panalo ang De La Salle University at pinabagsak ang host University of the East, 83-75.
Mula sa 63-63 tabla ay nagsama sina Kean Baclaan at Steve Nash Enriquez para sa anim na puntos at lumayo ang Bulldogs, 69-63. Bumanat ng three-points si Matthew Montebon upang lumapit ang Falcons, 66-69, at isinalba ang NU ng kanilang depensa sa nalalabing minuto at hindi na nakapuntos ang Adamson.
Gumawa ng 19 puntos kasama ang limang three-points si Baclaan na siyang pinakamataas niya ngayong taon. Sumunod si Jake Figueroa na may 17 puntos habang 13 si Enriquez at tumibay ang kapit ng NU sa pangalawang pwesto na may 6-1 panalo-talo.
Patuloy ang husay nina Kevin Quiambao na nagtala ng 17 puntos, siyam na rebound at 12 assist at Evan Nelle na may 14 puntos. Malaking bawi din ito para sa DLSU ng dalawang beses sa Warriors noong 85th UAAP na malaking dahilan bakit hindi sila nakapasok sa Final Four.
Samantala, magkikita muli ngayong ang araw ang defending champion Ateneo de Manila University at University of the Philippines upang isara ang Round One ng elimination sa MOA Arena simula 4:00 ng hapon. Sa unang laro sa 1:00 ng hapon, hahanapin muli ng UST ang unang panalo laban sa FEU.








Comments