NTF, nagpalabas ng approved transition protocol para sa motorcycle back riders
- BULGAR

- Aug 19, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 19, 2020

Nagpalabas ng bagong approved transition protocol ang National Task Force (NTF) para sa motorcycle back riders, matapos maibalik ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ), simula ngayong araw.
Para sa riders na magkasama sa bahay, hindi na kailangan ng motorcycle barrier. Subalit, para sa riders na magkaiba ng bahay, kinakailangan ng Angkas designed barrier.
Dapat na ang motorsiklo, ay privately owned at hindi for hire o ginagamit bilang public transport.
Kinakailangan na ang backrider ay isang APOR. Gayunman, ang motorcycle driver ay maaari o hindi isang APOR.
Gayundin, ang parehong sakay ng motorsiklo ay may suot na facemasks at full-face helmets habang bumibihaye sa lansangan.
Dagdag pa rito, ang Local Chief Executives (LCE) ay may diskrisiyon upang gawin at ipatupad ang mga guidelines na ito ayon sa pangangailan ng kanilang lugar.





Comments