top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Normal GCQ sa NCR Plus, oks kung walang pasaway

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 15, 2021
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | June 15, 2021



Ngayong araw, nakatakdang matapos ang general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions sa NCR plus na ipinatupad mula noong Hunyo 1, 2021 dahil sa naitalang surge o pagdami ng naitalang kaso ng COVID-19 sa lungsod.


Gayunman, pinag-uusapan na ng Metro Manila mayors ang posibilidad na ilagay ang NCR sa normal na GCQ mula Hunyo 16 dahil marami na ang nabakunahan, gayundin, dinaragsa ang vaccination sites ng A4 category o ‘yung mga essential workers.


Samantala, sang-ayon ang OCTA Research Group na maibaba ang quarantine restriction sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases sa rehiyon.


Base sa datos ng grupo, nasa 27% na lamang ng bagong COVID-19 cases ang mula sa Metro Manila mula sa 97% noong kasagsagan ng surge sa pagitan ng Marso 29 hanggang Abril 4.


Bumaba na rin ang reproduction rate sa 0.72 na mas mababa na sa 1, bumaba rin ang positivity rate sa 8% at nasa safe level na ang hospitalization rate sa 40%.


Dahil balak luwagan ang quarantine restrictions, hindi nawawala ang banta ng panibagong surge ng mga kaso, kaya mas dapat tutukan at pigilan ang mass gathering, hindi lamang sa Metro Manila kundi pati iba pang lungsod.


Isa pa, ang pagbaba ng mga naitalang kaso ay nangangahulugan na unti-unti nang umeepekto ang mga hakbang na ginagawa ng nasyunal at lokal na pamahalaan. Gayunman, hindi ito senyales upang makampante tayong lahat.


Kung ibalik man sa normal na GCQ ang quarantine restriction sa lungsod, kailangan pa ring matiyak na ang lahat ay sumusunod sa health protocols. Kumbaga, tigilan na pagpapasaway at pairalin ang disiplina sa lahat ng oras.


Ang lahat ng sakripisyong ito ay hindi lamang para sating sarili kundi para sa ikabubuti ng nakararami.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page