top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Non-stop na ang dagdag-presyo ng bilihin, sinabayan pa ng taas-singil sa kuryente, tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 12, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | October 12, 2023


DAHIL SA PAG-ALIS NG KONGRESO SA CONFI FUNDS NG 5 AHENSYA, BUMANGO ANG HOUSE OF REPRESENTATIVES -- Nagpasya na ang Kongreso na hindi na nila bibigyan ng confidential funds ang limang civilian agency at sa halip, ang nakalaang confi funds sa mga ito ay inilagay sa mga ahensya na may mandato ng law enforcement at national security.


Dahil sa ginawang ‘yan ng Kongreso, bumango ang imahe ng House of Representatives na pinamumunuan ni Speaker Martin Romualdez, palakpakan naman d’yan!


◘◘◘


KUNG NAIS NG MGA SEN. NA IBIGAY ANG HINIHINGING CONFI FUNDS NG 5 AHENSYA, PERA NILA ANG IBIGAY NILA, HUWAG PERA NG BAYAN -- May ilang senador na ang gusto ay kontrahin ang naging desisyon ng Kongreso, at ang nais ay ibigay sa limang civilian agency ang hinihingi nilang confidential funds.


Dapat isalpak ng ilang sen. sa kanilang mga kukute na pera ng bayan ang confidential funds, at kung gusto nilang magka-confi funds ang limang ahensyang tinanggalan nito ng mga cong., ang mainam gawin ng mga pro-confidential senators ay sa sariling pera nila sila kumuha ng confi funds na ibibigay sa mga tanggapang takam na takam sa confidential funds, period!

◘◘◘


2 MAGKASUNOD NA BUWANG TAAS-SINGIL NG MERALCO, DAGDAG-PAHIRAP SA MAMAMAYAN -- Nitong nakalipas na buwan ng Setyembre 2023 ay nagtaas ang Meralco ng 50 sentimo sa per-kwh na konsumo sa kuryente ng mamamayan, at ngayong buwan ng October 2023 ay nagtaas na naman ang electric company na ito ng 42 sentimo sa per-kwh.


Hindi dapat inaprub ito ng Dept. of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) kasi pahirap nang pahirap ang pamumuhay ng mamamayan dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin, ay dinagdagan pa ang pahirap sa mamamayan na dagdag-taas-singil sa konsumo ng kuryente, tsk!

◘◘◘


PALUSOT NI DPWH SEC. BONOAN WALA SA ‘PANGUNGUSAP O SENTENCE SA DIKSYUNARYO ’-- Ayon kay Dept. of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan na kaya raw nila sinisira ang mga maayos pang kalsada ay para raw makatipid ang gobyerno kapag ginawa nila itong muli, kasi kapag tuluyang nasira raw ang kalsada at kanila itong ginawa ay malaki raw ang magagastos.


Sa totoo lang, ‘yang palusot na statement ni Sec. Bonoan ay wala sa “sentences o pangungusap sa diksyunaryo” kasi wala kang makikita rito (diksyunaryo) na sisirain ang maayos na kalsada para makatipid, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page